12. You're confusing me

57 16 13
                                    

I was left dumbfounded. He left without saying goodbye, without even minding me.

Then reality hits me.

He has Vienna. He can easily left me just for her. Of course, she's her girlfriend! While I'm just some random girl he tried to flirt with.

All those sweet words seem confusing to me before, but now I know. It was just a pure bluff. It's just me who foolishly believed it.

Shit!

Am I falling for a taken guy?

No! I can't be! I'd rather fall for someone who's willing to catch me and not someone who can easily leave me feeling like a dumb.

Pero alam mo 'yong nakakagalit?

INIWAN NIYA AKO KAHIT ALAM NIYANG WALA AKONG DALANG KAHIT ANO! Ni hindi ko dala ang cellphone at wallet ko, basta niya lang ako tinangay kanina kaya hindi ko na nadala ang mga ito.

Paano ako uuwi? Ni hindi ko alam kung saang lugar ba ito. Wala rin akong kakilala dito para hingan ng tulong.

Nagsimula na akong maglakad paalis. Bahala na! Puwede naman akong mag-taxi pero wala man lang dumaraan dito. Malayo na ang nalakad ko pero wala talaga.

Kasalanan 'to ni Gabriel! Kung hindi niya ako dinala rito, maayos sana akong nakauwi sa bahay ngayon.

Paano niya ako nagawang iwan ng gano'n na lang basta? Gano'n niya kamahal si Vienna?

Magsama sila!

Oh. Great!

Mas lalo pa akong minalas nang unti-unting nagsibagsakan ng luha ang langit. Nakikiramay rin 'ata sa akin.

Malalakas ang buhos ng ulan kaya't basang-basa na ako. Para akong isang kaawa-awang basang sisiw na iniwan ng kaniyang magulang. Wala akong payong at mas lalong wala akong makitang masisilungan dito. Masiyado ng malayo ang nalakad ko para bumalik pa sa park.

Wala tuloy akong choice kung hindi ang magpatuloy sa paglalakad habang umaasang may daraang taxi. Pero tila nanadya ang langit sapagkat naninginginig na ako sa lamig ay wala pa ring dumarating. Wala rin ako madaanang waiting shed man lang.

I don't deserve this kind of shit! Gabriel, you piece of shit!

Unti-unti nang nanghihina ang katawan ko sa pagod at sa panginginig. Ilang minuto na lang yata ay bibigay na ang katawan ko.

Nabuhayan ako ng loob nang may makitang ilaw ng sasakyang paparating. Ngunit gustuhin ko mang magsaya hindi ko na magawa pa sa sama ng nararamdaman ko, umaasa na lang akong may mabuting puso ang sakay no'n.

Bago ko pa man makita kung sino ang lulan ng sasakyan na iyon ay tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.




"Selena?"

"Selena!!"
-

Nagising akong nanghihina pa rin at kumikirot-kirot ang ulo. Ang huling natatandaan ko ay ang walang katapusan kong paglalakad sa gitna ng ulan at pagkatapos no'n ay wala na akong maalala.

Damn!

Agad kong inilibot ang tingin ko nang mapagtantong hindi ako nakarating sa bahay dahil nawalan ako ng malay sa daan.

Shit! Where am I?!

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng k'warto. Kulay gray ito na may halong puti. Sa disenyo pa lang ay malalaman mo ng pang-lalaking kwarto ito.

Lalaki?

Shit! Nasa kuwarto ako ng isang lalaking hindi ko kilala!

Nahihintatakutang tiningnan ko ang damit ko at mas lalong gumapang ang takot sa aking katawan nang makitang iba na ang suot ko!

Their Entangled Lives (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon