11. Unexpected

56 20 20
                                    

Nang matapos ang klase sa major subject namin ay nagmadali na kaming pumunta ni Erin sa restroom para magpalit ng P.E uniform, P.E kasi ang sunod naming subject.

Bago lumabas ay pinagmasdan ko pa ang suot namin sa salamin. Nakasuot kami ng P.E t-shirt at short na hindi naman kaiklian. Ito kasi ang disenyo ng p.e uniform namin talaga. Ang cute nga dahil kulay gray ito na may touch ng pink at ang sa lalaki naman ay T-shirt din at jogging pants na parehong kulay gray with touch of blue.

Medyo nakaka-ilang nga lang dahil pinagtitinginan kami sa suot namin na hindi ko maintindihan dahil normal naman ang suot naming ito. Kung ano ang suot nila ay gano'n din ang amin pero tila kakaiba iyon para sa kanila.

Agad akong napababa ng tingin kung masyado bang maiksi o hapit ang aking suot para pagtinginan.

Napansin naman iyon ni Erin kaya itinaas niya ang baba ko at tinapik ako sa balikat na para bang sinasabing 'wag akong mahiya.

"There's nothing wrong with your outfit, girl. It's just that your outfit suits you well! It's so perfect!" ani pa nito at pinasadahan pa ako ng tingin na may ningning sa mata.

Kung hindi ko lang ito kilala ay iisipin kong isa siyang tomboy! It's ridiculous though, looking at her kikay look and her flirty moves.... nah! Totally impossible!

Nang makarating kami sa gym ay lalong dumami ang nagsisitinginan sa amin. I tried to divert my attention and just look around but I suddenly stopped when I saw Gabriel.

He's with Vienna, of course, and they are busy flirting with each other. He didn't even look at my direction!

Psh. Tutok na tutok sa girlfriend! Akala mo naman mawawala.


Ano nga ang sabi niya noong party? BE MINE?! Sinungaling siya!


"Okay, class we're going to have Sway dance as our P.E lesson for today. Gather up your partners, class!" panimula ng aming instructor.

"Maa-" taas kamay ng isa sa aming kaklase pero pinutol na agad siya ng guro.

"Oh, ano? Ma'am dalawa po ba? Aba'y oo kaya nga partner! Ma'am puwede po bang babae ang ka-partner? Ay saan ka nakakita ng babae sa babae ang magkasayaw? Hala! Maghanap na kayo ng partner niyo!" sarkastikong turan nito.

Wala na tuloy nagawa ang kaklase namin na magtatanong sana kung 'di ang kumamot sa ulo.

Nagsimula na rin ang lahat na maghanap ng partner. Nakahanap naman kaagad si Erin habang ako ay wala pa. Halos lahat sila ay may napili na, ang mga nag-aalok naman sa akin kanina ay may partner na rin.

In short, wala akong ka-partner!

"Selena, let's be pa--" natigil ang kung ano mang sasabihin ni Ivan nang tawagin siya ng aming guro.

"Ivan! You'll be my partner here in front. We'll show them the steps. Come here!" saad pa nito.

Dahil do'n ay napilitan si Ivan na lumapit sa una.

Ayos na sana, may partner na sana ako! Tsk.


"Who among you doesn't have a partner?" tanong ni Ma'am.

Tumaas kaagad ako ng kamay at nagulat pa nang nagtaas din sina Gabriel at Vienna. Mayroon pa ring isang lalaking nagtaas ng kamay pero hindi ko ito kilala.

"So, apat kayong walang ka-partner? Mamili na lang kayo kung sino sa inyo ang mag-te-team up. Go!"

Napatingin ako kay Gabriel na nasa katabi naman ang paningin. Malamang, 'yong girlfriend niya ang partner niya.

Their Entangled Lives (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon