7. Smile

61 28 6
                                    

11pm na natapos ang band practice namin dahil late na kami nakapag-start.

Agad din naman akong nagpaalam sa kanila dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Nag-presinta pa sila Ian na ihatid ako pero dahil may kotse naman ako ay 'di na sila namilit.

"Baby, ingat ka," pahabol pa na sigaw ni Ian at nagtungo na sa kung saan nakapark ang kanilang kotse.

Magkaiba kami ng way ng pinagparkingan, ang sa kanila ay malapit sa gate kaya mas mauuna silang umalis.

Binubuksan ko na ang aking kotse nang may makita akong gumalaw na naka-puti sa gilid ng sasakyan ko!

I-is that a ghost?!

What the fudge.

Nilapitan ko ito at nagulat nang makitang si Gabriel lang pala ito. Kinabahan ako roon!

"Are you okay?"

Dagli akong nilapitan nito at sinuri kung ano ang nangyari sa akin. Nakita ko pa ang pag-aalala sa mukha niya.

That's weird.

Tila naman nakuryente ako nang hawakan nito ang aking braso. Tuloy ay agad kong binawi ito para hindi niya mapansin ang aking pagkakaba.

"I-Im okay! What are you doing here? At this hour?" nangliliit ang matang tanong ko rito.

"Just because."

Weird talaga ng lalaking 'to. Wala pang kuwentang kausap.

Dahil wala naman akong makuhang matinong sagot sa kaniya ay sumakay na lang ako sa kotse at ini-start ito. Pero mukhang minamalas pa ako ngayon, heto at ayaw gumana ng sasakyan ko. Ngayon pa talaga!

"Ugh!" Napukpok ko ang manibela sa kainisan. Pagod na pagod na ako at ang gusto ko na lang ay makauwi at matulog!

Isinubsob ko pa ang aking mukha sa manibela kaya't hindi ko na namalayan ang paglapit ni Gabriel. Kumatok na lang ito bigla sa bintana ng sasakyan ko habang sinesenyasan ako na ibaba ito.

Napabuga pa ako ng hangin bago ibaba iyon. "What?"

"Got a problem?"
Hindi ko alam pero nahihimigan ko ang pagka-concern niya sa akin.

"Ayaw mag-start."

"Let me."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumabas na ng sasakyan, pumasok din naman kaagad siya para tingnan kung anong problema nito.

Nang makitang walang problema sa loob ay lumabas siya at tiningnan ang makina. Tinaas niya pa ang sleeves ng kaniyang damit revealing his muscles and well-toned arm.

Damn! Ang ganda naman ng katawan niya!

Napalunok na lang ako at mabilis na iniwas ang tingin at inabala na lang ang sarili sa pag-cecellphone. Nakita ko pang nag-text sina Erin at ang mga kabanda ko, tinatanong kung nakauwi na ba raw ako.

Malapit lang kasi ang bahay ko rito sa school kaya mauuna akong makarating sa bahay kaysa kina Ian pero mukhang mahuhuli ako ngayon dahil sa pesteng sasakyan kong ito!

Natapos ang ilang minuto na hindi pa rin gumagana ang makina kaya lalo akong namroblema. Mag-gragrab na lang siguro ako at ipapakuha na lang ang sasakyan para maipaayos sa talyer.

"Let me take you home."

Nagulat ako sa kaswal na offer nito. Nakailang ulit ko pa siyang tiningnan para makita kung nagsasabi siya ng totoo. Mukha naman itong seryoso at kung tutuusin ay mas okay 'yon pero ayaw ko siyang makasama. Nayayabangan ako sa kaniya!

Their Entangled Lives (On-going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن