2. Too much for a first day

127 38 53
                                    

Pahapyaw lang akong nakikinig sa ginaganap na assembly, mas gusto ko pang makinig ng music kaysa pakinggan ang welcome speech ng President ng Student Council dito.

Pinili kong sa dulo maupo para walang sagabal pero mukhang nagkamali yata ako. Kanina pang maraming nakatitig sa akin habang ang iba ay nagbubulungan pa. Kahit ilang taon na akong nag-aaral dito ay hindi pa rin ako sanay sa mga estudyanteng kulang na lang ay sundan ako maging sa pag-uwi.

Kung bakit kasi may mga "Campus royalties" pa silang nalalaman. Parang mga bata, hindi na lang intindihin ang kanilang pag-aaral!

Nag-earphone na lang ako para hindi marinig ang mga bulungan ng mga tao sa aking paligid. Pinili kong patugtugin ang kantang "You need to calm down" ni Taylor Swift, ang isa sa iniidolo ko.

Kailangan ko talagang kumalma dahil mukhang mauubusan ako ng pasensya sa mga tao rito lalo na sa antipatikong 'yun! Napadako pa ang tingin ko sa unahan kung saan ito nakaupo. Mataman itong nakakikinig kay Vienna.

Inlove na inlove? Eww!

Matapos ang pagkahaba-habang speech ni Vienna ay nauna na akong lumabas at naglakad papunta sa aking first subject. I'd rather be in our classroom and listen to lecture than to what she's saying! I just wasted my day here.

"Selena! Wait for me!" Uh oh. Here she goes again!

"Vienna, can you please...."

"Please what?" namimilog ang mga matang tanong niya na para bang ang isasagot ko ay ikatutuwa niya.

"Please, fuck off." I started walking but Vienna blocked my way and that cause us to bumped into each other, literally.

Hindi malakas iyong pagkakabangga namin kaya hindi ako natumba pero si Vienna ay bigla na lang natumba ng malakas.

"Vi!" Someone suddenly pushed me aside causing me to fall too hard on the ground.

It hurts, damn! 

"Are you okay?" Tinulungan ng antipatikong lalaking iyon si Vienna habang ako ay pilit pinupunasan ang braso kong nagkasugat.

"Grabe! Talagang itinulak niya pa si Vienna! Napakasama niya talaga!"

"Oo nga! Kitang-kita kong itinulak nya si President!"

So, I am the perpretator again. Why am I not surprise anyway? I will always be the bad one in their eyes.

"Gab! I'm okay, don't worry." May pa-haplos pa si Vienna sa dibdib ng lalaki.

Napalingon pa siya sa akin at biglang nanglaki ang mata nang makita ang kalagayan ko. Dali-dali itong lumapit at itinayo ako.

"Oh my God, Selena! I am so sorry!" Naroon ang pag-aalala sa mukha niya habang pinagmamasdan ang aking braso. "Look, you got hurt because of me!"

Psssh. Acting like an angel again!

"Ano ka ba, Vi! Siya ang tumulak sa'yo kaya ka natumba tapos tinulungan mo pa?!"

"No. It's my fault, Gab. I blocked her way that's why we bumped into each other. I am so sorry, Selena," Vienna said apologetically.

Whatever.

Tiningnan ko lang silang dalawa at umaktong aalis na nang may humawak sa aking braso. I glanced at the person who gripped my arms, it was apparently the guy whom according to Vienna, is "Gab".

"I think you should also say sorry to Vi since I know it's really your fault," He said while still holding my arms.

Tiningnan ko siya sa mata at pagkaraan ay ibinaba ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa aking braso.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now