30. Blindfold

30 4 6
                                    

"Se?"

Nagulat ako sa marahang tapik ni Erin sa balikat ko. Nagpalinga-linga pa ako at saka lang napansing dumarami na pala ang mga estudyante sa gym. P.E kasi namin ngayon at kanina pa kaming nandito sa bench.

'Di ko na nga namalayang ilang minuto na pala akong nakatulala sa kawalan. Halos nandito na rin lahat ng kaklase namin at kulang na lang ay ang Professor namin.

Or not. Wala pa pala sina Gab at Vienna.

"Shall we ditch class?"

Napatingin ako kay Erin na ngayon ay may concerned look sa kaniyang mukha. Alam kong nag-aalala lang ito sa akin. Sa nangyari ba naman kahapon ay sinong magiging okay? Ni hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil do'n.

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga naganap sa engagement party nina Gab at Vienna. Tumindi lalo ang sakit na nararamdaman ko nang maalala ang pag-aassume ko na magpropropose siya sa akin, iyon pala'y isang malaking ilusyon lang. Ang pagsuot nito ng singsing sa kamay ng aking pinsan. Ang mga masasakit na eksenang iyon ay patuloy na dinudurog ang aking puso.

Hindi ako makapag-focus maging sa nauna naming klase kanina ay nakatulala lang ako. Mabuti na lang at naroon si Erin para alalayan ako. Daig ko pa nga ang baldado na maging sa paglalakad ay naka-alalay siya.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang ako, tanggap ko ang kinahantungan ng relasyon namin pero sino bang niloloko ko? Maging ang sarili kong utak ay kontra sa ideyang iyon.

"Se.." mahihimigan ang pagkaawa sa tono ng pananalita ni Erin. Punong-puno iyon ng awa para sa akin.

Muli kong ibinalik sa kaniya ang tingin at nang makitang paiyak na siya ay ipinilig ko na ang aking ulo para mawala ang mga umuokupa sa aking isipan. Ngumiti ako sa kaniya matapos no'n at iyon ang naging hudyat para yakapin niya ako.

Napabitaw naman siya nang umugong ang bulungan mula sa mga estudyanteng naririto. Ang mga ulo nila ay tila mapuputol sa paglingon sa dalawang bagong dating.

Nakaramdam ako ng pagsisisi na sa puwestong nakaharap sa pintuan ko napiling umupo. Hayun at hindi ko magawang alisin ang aking mga mata sa bulto ng nasa pintuang iyon.

It was Gab with Vienna... of course..

Iyong makita lang silang magkasabay pumasok ay masakit na. Paano pa ngayon na magkahawak-kamay silang lumitaw sa harap naming lahat? Pakiramdam ko ay tutulo na ang mga nagbabadyang luha sa aking mata  anumang oras.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa ring magawang alisin ang paningin ko sa kanila kahit na sobrang sakit na ng tanawing iyon para sa akin.

Nagtama ang mga mata namin ni Gab, hindi ko maipaliwanag ang emosyong nababasa ko sa kaniyang mga mata. Nananatili lang akong nakatitig dito, pilit kong hinahanap sa kaniyang mata ang mga sagot sa aking mga katanungan.

Nakita ko pa ang pag-akyat ng mga kamay ni Vienna pahaplos sa mga braso nito. Agad gumuhit ang sakit sa aking mata nang unti-unti nitong inilipat ang tingin kay Vienna. Sa simpleng tingin na iyon ay napatunayan kong hindi na ako ang mahal niya. O baka hindi talaga niya ako minahal.

Hindi ko na napagilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Mabuti na lang at wala na sa akin ang paningin ni Gab, hindi ko kayang makita niya akong ganito.

Hilam man sa luha ang aking mga mata ay nakikita ko pa rin ang ginagawa nilang dalawa. Ngayon ay nakaupo na ang mga ito sa isang bench malapit sa gitna. Kasalukuyan itong pinupunasan sa mukha ni Vienna kahit na wala pa naman itong pawis dahil wala pa kaming ginagawa sa P.E class.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now