24. Who is Seriniah?

24 4 13
                                    

"Who say so?"

Nabaling ang atensyon naming lahat sa nagsalita pero dahil napapalibutan kami ng mga humahabol sa amin ay hindi ko makita kung sino ang nagsalita.

Dahil sa pagkabigla ng mga ito ay unti-unting nahawi ang daan at iniluwa no'n ang mga pamilyar na mukha sa dulo no'n ay naroon si Ivan. Pormal na pormal ang suot nito halatang galing sa isang importanteng event. Kasama niya ang tingin ko'y mga kabarkada niya.

Tila ako'y nabunotan ng tinik sa dibdib dahil ro'n. I really thought this will be the end of us! Thanks, God! Ngunit hindi ko maikakailang nakaramdam ako ng pagka-dismaya, inaasahan kong si Gab ang aking makikita kahit na alam kong may inaasikaso pa itong gulo sa loob ng bar.

Masisisi mo ba ako kung inaasahan kong siya ang magliligtas sa akin? Kaya niyang ipagtanggol ang kaibigan niya, maging si Vienna ay nagagawa nitong iligtas, pero bakit sa tuwing kailangan ko siya ay wala siya?

"And who the hell are you?!" Maangas na saad ng leader ng mga humahabol sa amin. Pinapasadahan niya ng tingin sina Ivan, ang mga tingin nito'y may halong panghahamak.

Lumapit pa si Ivan sa amin, "I'm their knight in shining armor." He said it in a mocking way.

The man scoffed, "You? Are you kidding me? You looked like you'll passed out with just a single punch, kid." I can see how he said it sarcastically. Nandoon pa rin ang mga tingin nitong mapanghamak.

"Yeah? Why don't you see it for yourself then?" Naroon ang yabang sa tinig ni Ivan, nang-iinis pa lalo sa mga kalaban.

Lumawak pa lalo ang ngisi ng leader na iyon, "We'll see about that." Pagkatapos ay pasugod na umatake sa gawi namin.

Agad kaming patalikod na pinalibutan nina Ivan at ng mga kasamahan niya. Itinago nila kami sa likod nila habang sinasalag ang bawat atake ng kalaban. Pinagmasdan ko si Erin na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot. Hinawakan ko naman ang kamay nito at pinisil para ipaalam na nandito lang ako at magiging ayos lang ang lahat. Masyado siyang na-trauma sa nakaraan.

Napalingon ako nang makarinig ng kalansing ng kutsilyo. Iwinawasiwas ito ng mga kalaban sa harap nina Ivan. Hindi ko maiwasang matakot hindi lang para sa buhay ko kundi maging sa buhay nina Ivan. Ilang beses na ba akong iniligtas ng lalaking ito? He's always there for me, ngayon ko lang ito nakita.

Kaliwa't-kanang suntok at sipa ang naririnig ko. Mabuti na lang at nagagawang iwasan nina Ivan ang kutsilyong ipinapanlaban ng mga lalaking iyon. Noong una ay inaakala kong dehado kami pero sa nakikita kong husay ng mga ito sa pakikipaglaban ay mas lumuwag ang dibdib ko. Sa dami ng kalaban ay nakakamanghang nasasabayan ito nina Ivan.

Nakita ko namang mainis ang leader ng mga kalaban nang makitang nauubos na ang kaniyang kasamahan. Nauubosan na din ito ng pasensiya at lumalatay na sa mukha ang galit.

"Ahhhhhhhhhh!!" Hindi ko napigilang hindi sumigaw nang maglabas ito ng baril.

Marahil ay hindi ng mga ito inaakalang magaling sina Ivan kaya't ngayon lang naglabas ng baril. Sa kutsilyo ay makakaya pang umiwas pero anong magagawa nila sa baril?

"I'm done playing with all of you, kids. Now, it's time to send you off to hell! You wasted your life trying to save that girl. Tsk, tsk!" They are now aiming us with their guns.

In any minute, they can just pull the trigger and that will be the end of all of us. Nahihintatakutang napahiling na lang ako na sana'y makaligtas kami sa kamay ng mga ito. Mas lalo kaming itinago nina Ivan, prinoprotektahan laban sa mga lalaking iyon.

Their Entangled Lives (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora