28. Engagement party

36 6 5
                                    

"He's still not picking up?" naiinis na na tanong ni Erin sa akin.

Alam kong hindi dahil do'n kaya siya naiinis kundi sa desisyon ko. I've decided to call Gab for one last time to have a closure. Hindi puwedeng ganito na lang kami. Kung talagang ayaw na niya ay kailangan ko 'yun malaman at marinig mismo sa kaniya. Nahihirapan na ako.

Pagkatapos ng Championship ay nagpatuloy ang hindi niya pagpansin sa akin. Nagmumukha na akong tanga sa harap ng maraming tao. Alam nilang ako ang girlfriend pero si Vienna ang lagi niyang kasama.

Ayaw ko na ng ganito. Sobra na akong nahihirapan. I kept thinking every single night of what happened, why is this happening and what's wrong with us. Palaging nagre-replay sa utak ko ang mga happy moments namin, ang lahat ng 'yon ay tila nabalewala. Ang sakit sakit na!

"Don't you still get it? He doesn't want you anymore because if he do, then you shouldn't have been feeling this way in the first place! Tama na, Se, sobra na itong ginagawa mo. Maawa ka naman sa sarili mo!"

Ilang ulit na akong pinagsasabihan ni Erin pero lahat 'yon ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga at lumalabas sa kanan.

Simula nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari noong naharass ako ng mga kalalakihan at hindi ako pinagtanggol ni Gab ay lalo pa siyang nagalit dito. Gustong-gusto niyang sugurin ito pero pinipigilan ko lang.

"I... I know. I really just want to have a closure with him." nahihirapan akong bigkasin 'yon.

Hindi lang naman 'yun isang bagay na madaling hingin o kuhanin. But I really just don't want to regret anything in my life. I want someday when I remember these, I can look back without a heavy heart because I know I did everything I could to fight for our love.

"Se, that closure you've been longing for shouldn't be coming from Gab, it's from you. Closure is what you give to yourself, it is accepting that some good things never lasts. It is ending your pain and healing yourself. You don't need a closure to someone who've hurt you, you need to give it to your heart and to yourself. You need to end your hopes and start to live again, this time, live freely and beautifully." madamdamin nitong pahayag.

Naiintindihan ko iyon pero may kung ano sa loob ko na hindi matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung bakit, anong nangyari o ano ang pagkukulang ko? Gusto kong masagot 'yon dahil kapag hindi, habambuhay ko iyong dadalhin sa loob ko.

"One last time, Erin. One last." I firmly said it while looking at her with pleading eyes.

I want her to understand me.

Unti-unting nangunot ang noo nito, "Ewan ko sa'yo! Nagpakahirap akong isipin 'yon tapos wala lang sa'yo?"

"Hala, sige! Magpakatanga ka d'yan! Badtrip ka!" dugtong nito bago padabog na umalis sa harap ko at nagtungo sa kaniyang kuwarto.

Simula nang mangyari ang pagsugod sa amin ng mga lalaking iyon ay napagpasyahan ko na dito na siya patirahin sa bahay. Mas mapapanatag ang loob ko 'pag nakikita siya.

Mas okay din ito para may nakakausap ako at napagsasabihan ng mga problema ko kagaya ngayon. Iyon nga lang nainis na siya at nagwalk-out. Naiintindihan ko naman na ayaw niya akong masaktan pero mas mahihirapan ako kapag hindi ko nasagot ang mga tanong na bumabagabag sa puso't isip ko.

Napatingin ako sa aking cellphone, I've been calling him for one hundred times already but he's still not answering. I know I look too desperate but what can I do? I just love him too much.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang sandaling umilaw ang screen ng cellphone ko. Magkahalong kaba, saya at takot ang nararamdaman ko. Kaba na baka siya na ang nagtext, saya na sa wakas ay pinansin na niya ako at takot na hindi ko magustohan ang kaniyang sasabihin.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now