6. Other guy

79 29 21
                                    

Friday na ngayon meaning dalawa lang ang klase ko at parehong major pa. Medyo maaga rin akong nakarating sa school kaya't mag-isa lang ako. Malamang sa malamang kasi ay late si Erin since napaka-bagal niyang kumilos.

Naglalakad na ako papuntang room habang may kinukuha sa bag nang bigla akong mabangga ng isang lalaki.

Napapikit na lang ako sa pag-aakalang mahuhulog sa sahig ngunit hindi nangyari iyon nang maagap akong nasalo ng lalaking nakabangga ko.
Mabuti na lang!

Napamulat din kaagad ako nang maramdaman ang pagsalo niyang iyon. Nagtama ang aming paningin kaya't hindi sinasadyang napatitig ako sa kaniyang mga mata. He has a pair of blue eyes kaya't sa tingin ko ay hindi siyang purong Pilipino. Ewan ko ba pero si Gab ang naalala ko habang tinititigan ang kaniyang mga mata.

"Tsk! Kung gusto niyong magtitigan, do'n kayo sa walang makakita sa inyo!"

Gulat akong napalingon sa nagsalita at agad akong napatayo ng ayos nang makitang si Gabriel ito.

"It was just an accident!" nagugulat na saad ko rito.

I don't even know why I had to explain to him! Geez!

"Get out of my way!"

Napatabi ako sa dinaraanan nang sumigaw ito na para bang dala-dala lahat ng galit sa mundo!

"ANO? GANIYAN KA NA LANG MAGHAPON?! BAKA GUSTO MONG PUMUNTA NA SA ROOM!"

Is he talking to me? Why?

"Ha? Ah, yes. I'll go na!" nagmamadali kong sagot kahit pa hindi ko alam kung bakit kailangan niyang pakialaman ang pagpunta ko sa room.

"I'm not talking to you!"

Dahil do'n ay napapahiyang napaiwas ako ng tingin at naibaling ang tingin sa lalaking nakabanggaan ko.

"Stephen!!"

Tila naman natauhan ang lalaki nang sigawan ito ni Gab at nagugulat pa na tumingin dito.

"Oh, bro? Sorry, I didn't know you're here." Kakamot-kamot sa ulong humingi ito ng paumanhin.

I find it cute! He has this friendly aura kaya't hindi siya mahirap magustuhan.

"Let's go, Stephen!"

"Wait. Miss, I'm so sorry! Are you hurt?"

Bumaling sa akin ang tinawag ni Gab na 'Stephen', akma pang hahawakan ako nito sa braso nang biglang hilahin siya ng lalaking dala-dala ang lahat ng galit ng mundo.

Pilit nitong kinakaladkad si Stephen pero hindi naman ito nagpapatinag at naglahad pa ng kamay sa akin.

"I'm Stephen. What's your name?"

"I'm Se--" makikipagkamay na dapat ako rito pero tuluyan na siyang nahila ni Gab palayo sa akin.

"You don't need to know her name!" rinig ko pang saad ni Gab sa kaniya.

Napaka-sama talaga ng ugali ng lalaking 'yon! Nakikipagkilala lang naman si Stephen. Psh!

Pumunta na lang din ako sa room namin at mabuti na lang talaga at 'di ko kaklase ang antipatikong 'yon!

Natapos ang klase namin na wala kaming masyadong ginawa since first week pa lang talaga ng pasukan. Si Erin late na nga dumating kanina ay sige pa rin sa pagdaldal. Naikuwento na niya lahat ng nangyari sa kaniya kahapon na para bang 'di kami magkasama noon.

Palibhasa only child siya kagaya ko kaya loner siya sa bahay niya. Ako lang talaga ang pinaka-close niya kahit pa marami siyang kaibigan sa cheerdance.

Their Entangled Lives (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon