10.I want to be your girlfriend

70 23 27
                                    

Nandito na kami sa backstage ng performance hall, dito kasi gaganapin ang Welcome party para sa mga newbies.

Kami naman ang sasalang pagkatapos ng performance ng Dance Co. kung saan isa si Erin sa dancer. Mula sa backstage ay kitang-kita ko kung paano ito sumayaw at masasabi kong napakalambot talaga ng katawan nito. She dance gracefully, swaying her hips in a smooth and attractive way. Gano'n din ang kaniyang mga kasamahan, walang tulak kabigin sa mga ito.

Nilamon nila ang buong stage kaya naman hindi mapigilan ang malalakas na hiyawan ng mga estudyante. Nakapaskil sa mga mukha ng mga ito ang tuwa habang nanonood patunay lang na nag-eenjoy sila. Wala akong makitang nakasimangot o ano pa man.

Hindi ito formal party, casual lang ang mga suot ng mga attendees. Karamihan ay freshmen ang nandito, mayroon din namang kaunting transferees from sophomore and junior like Stephen and his friends....

Well, of course, Gabriel. Although hindi ko pa sila nakikita dahil sa backstage kami dumeretso.

PERO TEKA! BAKIT KO BA SIYA HINAHANAP?

Whatever!

Nandito rin ang Student Council since sila ang organizer ng event na ito especially, Vienna na talagang abalang-abala sa event.

Nang matapos sina Erin ay kami naman ang ipinakilala ng emcee. Naghanda na rin kami para mag-perform.

"Thank you to our Dance Co. for a very wonderful number! Such a great dancers, right?" tanong pa ng emcee. Isa itong bakla kaya naman napakatinis ng boses nito.

"Yes!" Nagpalakpakan ang mga nanonood tanda ng pagpupugay sa mga mananayaw.

"And now, to give us a rock and roll performance, let's all welcome our school band!"

"Go, Selena!"

"We love you, Selena!"

"Go, Ian!"

Lalong umingay ang buong hall nang lumabas na kami. Halos mabingi ako sa lakas no'n ngunit sa kabila ng pag-iingay nila ay heto pa rin ako at natutuwa sa mga reaksyon nila. This has always been my dream.

Habang nag-aayos ng equipment ay inilibot ko ang paningin at pinagmasdan ang lahat ng nandirito, lahat ay may mga ngiti sa kanilang mga labi na tila ba inaabangan talaga nila ang aming performance.

Namataan ko pa sina Vienna sa isang table kasama sina Gabriel na matamang nakatitig sa akin. Napaka-lakas ng dating niya sa kanyang casual outfit habang si Vienna naman ay elegante sa kaniyang kasuotan.

Nakasuot naman ako ng black crop top na pinatungan ng black leather jacket, stripes mini-skirt at black stockings. Tinernuhan ko ito ng black heeled boots.

Dahil myembro kami ng banda kaya't hindi namin kailangang sumunod sa required outfit nila. Hindi rin naman ako magtatagal dito pagkatapos ng performance namin ay aalis na kaagad ako.

"Hello. Mic check. Mic check," panimula ni Ian.

"Hello everyone! Are you having fun?" tanong pa nito.

"Super!" Ganadung-ganado kung sumagot ang mga nanonood.

"So, our first song is dedicated to all freshmen here. College life is far different from what we experienced back in our highschool days. It may or may not be exciting for you but this will lead you to the real world. The reality is that we have to be stronger to face all the struggles on our own. Sometimes, you'll be alone here and that's okay. So now, let me welcome you to the real world! Enjoy your college days and have fun!" masayang saad ko na tinapunan pa sila ng tingin isa-isa.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now