18. Confessions

44 12 10
                                    

"Hey.."

I froze as he hugged me from behind. I can't face him now, not when I'm in pain.. not when I'm crying.

It will make me look like a desperate girl who just got her heart broken. Bakit ba niya ako hinabol pa?! 'Di ba masaya na siya sa Vienna niya?

"Why are you crying?" Malumanay na tanong nito at pinunasan pa ang pisngi ko. Hindi pa rin siya bumibitaw ng yakap at nananatiling nakasandal ang ulo sa balikat ko. His simple gesture like this makes me feel special.

Bakit niya ba ginagawa 'to gayung may Vienna na siya? Paulit-ulit niya lang akong nililito. I can't understand his actions, one day he's sweet and distant the next. I can't understand him at all.

"Hey, please talk to me.." ani pa nito sa malambing na boses.

His soft and sweet voice is making me weak but I can't give in. Not this time.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kaniya. Tuloy ay napaiwas kaagad ako ng tingin. Ayokong makita niya akong ganito, lalakas lang ang loob niyang paasahin na naman ako.

"I'm sorry.." mahina man ay rinig na rinig ko pa din ang kaniyang sinabi.

Para saan ang sorry niya? Para sa pagpapaasa niya sa akin? Para sa pagpaparamdam niyang special ako pagkatapos ay iiwan na lang basta? Kung para iyon doon ay hindi ko ito kailangan dahil kasalanan ko din naman na nahulog ako sa mga ginagawa niya. Dahil kung umiwas na lang ako at hindi binigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya baka sakaling hindi ako nagkakaganito.

"For what?" Alam ko man ang sagot ay hindi ko pa rin napigilang hindi magtanong.

I must be a fool for still digging for an answer that will just break my heart. Yeah, I'm a fool because I'm still hoping that he will say the opposite.

"I'm sorry.. I didn't knew Vienna would kiss me. It was just a misunderstanding!"

So, that's what he's sorry about. But why would he say sorry? It's not like I'm his girl.

"Why would you say sorry? It's normal for couples to kiss."

Hindi ba't sila na ni Vienna? Oo, nasaktan ako sa nakita ko pero anong karapatan kong magalit?

"I've been telling you many times that she's not my girlfriend!" kunot-noong saad nito.

Pinagtaasan ko ito ng kilay, "So, it's okay to kiss someone you're not in a relationship with?"

"I didn't kiss her, she kissed me. There's a big difference." pagtatama pa nito na ngayon ay tila nauubusan na ng pasensiya.

"But you liked it!"

Ang kaninang malumanay na tingin nito ay napalitan ng kunot na kunot na noo habang nakatayo sa harapan ko.

"Fvck it! I never wanted it."

"Bakit ka nagagalit sa akin??"

"I'm not mad at you."

"Eh, bakit ka sumisigaw?!" sigaw ko.

"I'm not shouting, you are."

Napanguso ako dito dahil tama siya. Ako lang ang sumisigaw, kahit naiinis siya ay mahinahon pa rin ang boses niya.

"But why are you saying sorry for the kiss? What is that gotta do with me?" balik ko.

"Because that shouldn't happen, you shouldn't see it."

Their Entangled Lives (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon