4. Hullabaloo

100 32 47
                                    

Today wasn't a busy day since we're barely starting the sem. Nagbigay lang ng syllabus si Ma'am at syempre kaunting pakilala. Nauna si Vienna sa pagpapakilala dahil isa raw siyang jollibee according to Erin kasi "pabida" raw.

"Hello, everyone! I bet you all know me since I am the school president h--"

"Student council president, stupid! You don't own this school!" May biglang nag-interrupt sa pagpapakilala ni Vienna at lahat sila ay sa akin nakatingin.

What?! I'm not saying anything here!

Tiningnan ko si Erin pero maging siya ay nagtataka kung sino ang nagsabi. Dito nanggaling sa banda namin ang nagsalita pero hindi ko alam kung sino.

Napalingon pa ako sa gilid at likuran. I'm trying to find whoever it is pero sa rami namin imposibleng makita kung sino 'yon.

Tumingin na lang ulit ako sa unahan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inaalis ang tingin sa akin.

"What?? It wasn't me for Pete's sake!" Tinarayan ko sila at binalewala na lamang ang mga tingin nila.

As if naman ay ikamamatay ko ang mga tingin nila!

"Tsk!" Isang malakas na singhal ang pinakawalan ni Gab habang masama na namang nakatingin sa akin.

Ugh. Why me? I didn't say anything, I swear!

"Cut it out, classmates! Geez. It was just a side comment, it won't hurt," pagsasaway ni Ivan sa lahat.

Dahil do'n ay inalis na ng mga ito ang tingin sa akin at ibinaling kay Vienna.

"Right. Sorry, my bad! Anyway, I'm Mallivienna Garces, the STUDENT COUNCIL PRESIDENT, you can call me Vienna. Don't be afraid to approach me especially if you have problem. I'll be happy to serve you! Nice meeting you all!" naka-ngiti pa rin nitong saad kahit na napahiya.

Sunod na nagpakilala si Gab na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin.

"I'm Gabriel Thompson. 21, Archi student. Don't call me Gab if we're not that close. AND. DON'T. YOU. DARE. BULLY. THIS. GIRL." Tinuro nito si Vienna na namula pa ang mukha sa kilig.

I don't know why but he was looking at me when he said that. He's probably warning me not to mess with his girl.

Wow. Protective naman po ni kuya. As if naman I'm a bully!

Marami pang sumunod na nagpapakilala and after so many minutes, it was finally our turn. Naunang magpakilala si Erin sa unahan.

"Hi! I'm Erin Peterson. AB Economics student, 21 years old, cheerdance member, single and ready to mingle!" malandi nitong pagpapakilala at kinindatan pa ang mga kalalakihan na siya namang naghiyawan.

Napailing na lang ako kasi wala talaga itong matinong sinasabi. When I stood up in front, everyone yell especially boys. They are all whistling and screaming like I'm sort of a celebrity, no, scratch that, a sexy star. I find it disgusting though. Like, what the hell? I wasn't even wearing sexy outfit! They were saying how sexy I am and it's not a compliment for me!

Alam ni Erin kung ga'no ako ka-uncomfortable rito. Hindi pa man nagsisimula pero gusto ko na lang umupo ulit.

"Guys, keep quiet!" sigaw ng Professor namin pero tila bingi ang mga ito.

"WHAT THE FVCK ARE YOU ALL WHISTLING AT? HA?!" Tumahimik ang lahat nang galit na galit na sumigaw si Gabriel.

"WHAT ARE YOU ALL? A SEX MANIAC?!" Hindi pa ito nakuntento at sinipa pa ang upuan sa harap niya.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now