25. Change

25 3 1
                                    

"Erin?" tawag-pansin ko dito na hanggang ngayon ay hindi pa bumaba ng sasakyan. We've been here at the parking lot for almost ten minutes now but Erin doesn't seem to notice. She's too occupied with her thoughts.

"Erin?" Tinapik ko ang kaniyang pisngi sa mahinang paraan, doon pa lang siya natauhan at walang malay na ibinaling ang tingin sa akin.

"What?"

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Alam kong sariwa pa din sa kaniya ang nangyari kagabi. Sino bang hindi matrau-trauma sa nangyari? Bukod sa nabastos siya sa bar ay may nagtangka pang pumatay sa amin. I couldn't even sleep last night, negative thoughts kept me up till morning. Pinilit ko na lang na iwaglit ito sa aking isipan. Hindi puwedeng ganito na lang kami, palaging natatakot at nababahala.

Lalo akong napatitig sa kaniya nang hindi niya nagawang sumagot. "It will going to be okay, Erin. Trust me, I will never leave your side." Yinakap ko siya at doon niya lang nagawang ilabas ang luhang kanina niya pang pinipigil.

"Hush, now. Everything will going to be alright." I patted her shoulder and wiped her tears.

Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya sa nakaraan kaya't believe ako sa pagiging matapang niya. Sa likod ng mga ngiti at tawa niya ay naroon ang sakit at hirap na pinagdaanan niya.

Nagulat ako nang bigla niyang i-flip ang buhok niya at mataray na pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Geez. I can't believe I'm crying right now! Nakaka-pangit!" Ang bilis niyang magpalit ng emosyon! Heto at nag-tataray na naman siya kahit na kakagaling niya lang sa iyak.

"You're insane!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Tiningnan ko siya sa paraang tila nababaliw na siya.

"Duh! Let's go na nga! Mag-drive ka na at baka ma-late pa tayo." Akma niyang isusuot ang seatbelt pero natigilan nang makitang kanina pa itong nakakabit sa kaniya.

"What are you saying? We're here at the school na for almost twenty minutes already. Look outside."

She's really out of focus. My gosh!

"Bakit 'di mo sinabi!?" Iyon lang at nanguna na siyang lumabas ng sasakyan.

"Ano? Diyan ka na lang?" Sumilip pa ito sa bintana at tinarayan na naman ako.

Tss. Kanina ay para siyang lantang gulay ngayon naman ay ang taray-taray niya at full of energy na naman. Should I schedule a check up with a psychiatrist?

"Wait for me!" Nagma-madali na akong sumunod sa kaniya. Halos hingalin ako sa bilis niyang maglakad. Akala mo may hinahabol!

"May lahi ka bang kabayo? Ang bilis mong maglakad, grabe!" Inirapan ko siya pero wala sa akin ang atensyon niya.

Nangunot tuloy ang noo ko at napabaling rin ang tingin sa kaniyang tinitingnan. Mas lalo namang nangunot ang noo ko nang makita pinagtitinginan kami ng bawat estudyanteng madaraanan namin. Hindi na naman ito bago sa akin lalo pa at araw-araw naman iyong nangyayari pero may kakaiba sa tinginan nila ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang kabang aking nararamdaman dahil do'n.

"Why are they looking at us?" I curiously asked as I looked away, pretending not to see them.

"I don't have an idea either. Maybe, we're just extra beautiful right now?" Nakuha pa nitong magbiro kahit na alam kong pati siya ay nababahala rin sa mga tingin ng mga ito.

"Silly!" Pinilit kong ipagsawalang-bahala na lang ang mga iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Malapit na kaming makarating sa room namin nang makitang maraming nagku-kumpolan sa harap ng bulletin board. Dahil sa dami nila ay nahaharangan ang daan namin papuntang classroom. Naroon kasi ang bulletin board sa tabi mismo ng aming room kaya't wala kaming choice kundi ang maki-siksik.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now