15. Date

47 15 14
                                    

After that small incident, the Gabriel leaving me at the park and me ending up with Ivan's house thingy you know, everything went normal... or so I thought.

Speaking of Gab, I haven't seen him anywhere. Maybe, he's busy or what? I don't know. Maybe, because it's prelims week already?

It's been a month since the school year started. Time flies so fast. Ang dami na kaagad nangyari sa akin sa loob ng one month na 'yon.

Oh, well, whatever.

Natapos ang major subject namin nang hindi ko namamalayan. Pa'no ba naman, lumilipad pa rin ang utak ko sa sinabi ni Gab. He came back for me daw? Kilala ba niya ako dati pa? Pero I'm pretty sure hindi ko siya kilala eh, ngayon lang.

Ugh. Damn you Gab for making me think!

Pinilit ko na tanggalin ito sa aking isipan, inisip ko na lang na walang ibig sabihin 'yon. Wala naman talaga... siguro.

Baka assumera lang talaga ako? Baka kasi ang ibig niyang sabihin ay bumalik siya sa ospital para sa akin, 'di ba?

Tama! Iyon nga siguro 'yon.

"Wag ka mag-alala mahal ka no'n."



"You think so?" wala sa sariling tanong ko.

"Oo."



"I think he doesn't like me."

"I don't think so."

"Really? Why?"






"Because I do." Natauhan ako nang maramdamang may bumulong sa akin.

Shit! I got goosebumps when I saw Gab's face near mine. Wait. Siya ba ang kausap ko kanina?

Argh! Nakakahiya.

And what does he mean by 'he do'? He does... like me? Or am I assuming things again?

"Girl, ayos ka lang? Bagong hobby mo ba ang magsalita sa kawalan?" Napabaling naman ako kay Erin na ngingisi-ngising tiningnan ako.

Sinamaan ko siya ng tingin maging si Gab na tatawa-tawa sa tabi ko. Nakakainis! 'Di man lang ako sinabihan ni Erin na nandiyan si Gab!
Para tuloy akong luka-lukang sumasagot sa kaniya nang wala sa sarili.

You freak. Gaganti ako sa 'yo!

"Let's go!" saad ni Gab at walang pasabing kinuha ang bag ko.

Where are we going?

Hindi pa ako nakakapagsalita ay kinuha na niya ang kamay ko at hinila palakad. Sumunod naman sa amin si Erin na animo'y nanonood ng teleserye na nakakakilig.

Hindi man lang nila ako hinayaang makapagtanong at nang makarating ng parking lot ay agad akong pinasakay ng mga ito. Sa backseat umupo si Erin samantalang ako ay sa tabi ni Gab na siyang driver.

"Hi, Se. I--" naputol ang pagbati ni Stephen na nasa likod pala nang samaan siya ng tingin ni Gab.

"Yeah, yeah! Selena. Hi, Selena! It's good to see you!" pagtatama ni Stephen sa pangalan ko.

Noon ko lang narealize na ayaw ni Gab na tinatawag akong 'Se' which is weird. Ano naman ngayon kung tawagin niya ako sa gano'ng nickname, 'di ba?

"Hi, Stephen!" ganting bati ko.

Hayun at nahagip ng mata ko ang pagsama ng tingin ni Gab sa akin.

Ano ba'ng problema niya?

"I missed yo--" pinaulanan na naman nito ng masasamang tingin si Stephen kaya't natigil ito sa pagsasalita.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now