35. Birthday Celebration Part 2

26 4 6
                                    

"What are you celebrating?" ulit pa ni Vienna.

Humakbang ito palapit sa kinaroroonan namin. Si Gab naman ay nananatili lang sa kanyang puwesto habang nakatitig pa rin sa akin.

"It's uhm..." nag-aalangang sagot ni Stephen.

Lumingon ito sa akin na para bang hinihingi ang permiso ko. Alam kong ayaw niya lang masira ang araw ko kaya't hindi niya alam ang isasagot sa pinsan ko.

"It's..." Inilipat ko ang tingin kay Vienna. "None of your business," walang gana kong sagot.

Hindi ko na matagalan pa ang mga titig ni Gab kaya't nagpasya akong hindi na siya tapunan pa ng tingin. Nanglalamon iyon at para bang hinahatak ako papunta sa ibang mundo. Gano'n katindi ang tingin niya.

"Wait! Is it October 16 today?" kunwa pang tanong ni Vienna sabay tingin sa relo. "OMG! It's your birthday today, my dear cousin!"

I can't help but to roll my eyes as she exclaimed it like a child. She's acting again!

"Happy birthday!" Akma itong yayakap sa akin kaya't mabilis kong iniharang ang kamay ko paharap sa kanya.

Bumalandra ang malungkot niyang mukha matapos kong gawin iyon. And yes, she's doing it again! She's trying to get sympathy from others like she always did.

Inirapan ko lang siya at tumalikod na sa gawi nila. Ang sakit nila sa mata!

Hinawakan ni Ivan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Nginitian niya rin ako na tila gustong iparating na hayaan ko na lang ang mga ito. Hindi ko naman magawang suklian iyon, sino bang makakangiti kung ganitong may sumira ng araw mo?

Mayamaya pa ay inilapit ni Ivan ang mukha niya sa akin at ginaya ang hitsura ko. Nakakunot-noo ako habang nakanguso kaya't gano'n din ang ginawa niya. Nagmukha siyang ewan, tuloy ay hindi ko na napigilan pang tumawa. Hindi pa rin siya tumitigil at mas pinahaba pa nang husto ang nguso niya. Hinawakan din niya ang magkabilang kilay para lamang magdikit.

Freak!

Natigil lamang iyon nang tumikhim si Vienna. "You two look perfect for each other," mahinang sambit niya.

Inakbayan ako ni Ivan at pinisil pa ang tungki ng ilong ko. "Yes, we are," malambing nitong tugon.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata at mahinang hinampas ang kamay niyang pumisil sa ilong ko. Tinawanan niya lang ako at mas lalo pang inilapit sa kanya. Nakasandal na nga ako sa dibdib niya dahil do'n.

"Are...we missing something between the two of you?" May kung ano sa tonong iyon ni Vienna. Hindi ko maipaliwanag kung bakit tila hindi niya maitanong ng ayos 'yon.

Hindi ba dapat ay mas matuwa pa siya kung sakaling totoong may namamagitan nga sa 'min?

"Are you?" natatawang balik-tanong ni Ivan.

Napailing na lang ako dahil wala siyang seryosong sinagot sa mga tanong ng pinsan ko.

"Love..." Awtomatiko akong napalingon nang marinig iyon.

"Come over here, greet my cousin a happy birthday," dugtong pa ni Vienna.

I nearly scoffed after hearing it, good thing I controlled myself from doing so. I don't wanna look bitter at all.

Pinagmasdan ko ang kilos ni Gab, mukhang wala itong balak na sundin ang kasintahan.

Love, huh? Hindi na nag-effort na mag-isip ng ibang tawagan?

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now