3. Two guys

103 34 34
                                    

Naglalakad ako papunta sa classroom nang may humawak sa kamay ko. Seriously? Kahapon pa nila basta-basta hinahawakan ang kamay ko, ha! I faced whoever it is and was about to get mad when...

"SE! I MISS YOU SO MUCH!"

Yinakap ako ng babaeng nasa harapan ko at pahigpit nang pahigpit iyon hanggang sa nahihirapan na akong huminga.

"A-ano ba! Get off of me! I c-can't breathe, you dumb ass!" Pinipilit ko siyang tanggalin ang braso niya pero shit, ang lakas ng amazonang 'to!

I almost choked because of that but luckily, someone grabbed her arms away from me. Thanks, God! I thought I couldn't survived.

"I nearly died, you freak!" I screamed at her but she wasn't looking at me.

Napatingin ako sa kung kanino siya natutulala at gosh!

It was Gab!
Did he just save me?

Nakatingin siya ng masama kay Erin at ang bruha tila kinikilig pa!

"Hi! I'm Erin!" Inilahad niya ang kamay kay Gab na nanginginig pa.

Ang gaga nakuha pang lumandi habang ako ay nahihirapan pa ring huminga rito.

"Tss. You're so loud! Next time, if you're going to kill her do it where you won't bother anyone!" Hindi nito pinansin ang pakikipagkilala ni Erin at umalis na.

Napakasuplado talaga!

Ang bruhang si Erin ay hindi pa rin inaalis ang kamay sa ere hanggang ngayon kahit matagal nang nakaalis si Gab.

"Earth to Erin? Hello?!" Iwinawagayway ko pa ang aking kamay sa harapan niya pero talagang nakatulala pa rin ito.

"Ouch! Why did you slap me?!" Maarte nitong hinawakan ang pisngi at maluha-luhang tumingin sa akin.

Yes. I just slapped her para naman mabalik siya sa katinuan. My gosh, nakakita lang ng guwapo nagkaganiyan na?!

Wait. Did I just say "guwapo"? Si Gab? Eww!

"So? Who's that pretty boy? He's so guwapo, Se!"

Tiningnan ko siya nang may pangdidiri dahil parang tutulo na ang laway niya.

"Hmm. That's Gab," maikling saad ko.

"Gab as in Gabriel? What's his full name? Course? Year? Birthday? Age? Favorite food? Color? What does he like in a girl??" may bahid na hingal na saad nito. "My gosh, pinagsisihan kong hindi ako pumasok noong first day!"

What the fvck is she saying? Does she honestly expect me to know everything about that guy?

Do I look like I care?!

Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumakad na ulit papasok. Pero hindi yata talaga ako tatantanan ng babaeng 'to dahil pagkakaupong-pagka-upo ko pa lamang ay nakaabang na agad siya sa sagot ko.

"What?" irita kong tanong sa kanya.

Oh, wait. She's Erin Peterson. She proclaimed herself as my 'bestfriend' We're on the same age and same course.

"C'mon! Tell me more about him!" pamimilit pa nito sa akin habang nakapangalumbaba sa harap ko at nagpa-puppy face.

Ugh. I wanna strangle her to death, really!

"I don't know, okay? I don't even know if Gabriel was his name, I just knew it was Gab. I don't personally know him." I rolled my eyes on her before browsing my phone.

"Iyon lang? As in, 'yon lang ang alam mo? Ang hina mo naman! Sa guwapong iyon? Hindi mo type?" Pinanglakihan ako nito ng mata na para bang kasalanan ang hindi magkagusto sa lalaking 'yon.

"If you want to know more about him might as well befriend my cousin! I think they're in a relationship."

Akmang hahampasin na naman niya ako sa braso mabuti na lang at naka-iwas ako. Napaka-sadista talaga!

"Vienna? As in, Mallivienna Garces?! No way! Tsk. Naka-suwerte ang pangit na 'yon, ha! Anong gayuma kaya pinainom niya doon? Sa tingin mo, humingi kaya ako?"

Natawa na lang ako sa pinagsasabi ng babaeng ito. Kahit kailan kasi hindi niya nagustuhan si Vienna. Well, ako rin naman.

And speaking of the witch, she's already here with Gab. Kaklase namin sila? Ugh!

Nauna sa amin si Gab kanina, so, meaning inantay niya pa talaga ang girlfriend niya.

How sweet!

"Good morning, Se and Erin!"

Napataas ang kilay ko sa itinawag niya sa akin. Are we that close?!

"Naks, all smile ang mangkukulam palibhasa nagayuma si Gab. Naka-jackpot!"

Malakas akong napatawa sa ibinulong ni Erin. Napaka-pasmado talaga ng bunganga nito! Napatingin naman ako kay Gab na nakatitig pala sa akin with an amused eyes. And why is that? Tuloy ay napataas ang kilay ko sa kaniya. Nakita ko pa ang pagsulyap din sa akin ni Vienna.

Isinukbit nito ang braso niya kay Gab na tila gustong iparating na pagmamay-ari niya ang lalaki.

"Ang clingy, eww! Malandi," bulong ulit ni Erin sa akin.

Hindi ko na napigilan ang muli kong pagtawa dahil do'n. Hindi pa rin inaalis ni Gab ang paningin niya sa akin kaya't naiilang na umiwas na lang ako.

Mayamaya pa ay tumikhim si Vienna at mas lalo pang idinikit ang dibdib niya sa braso ng binata.

"So, I didn't properly introduce him to you yesterday, right? This is Gab," pagpapakilala nito sa lalaki.

Mukha bang gusto ko siyang makilala?

Bigla na lang naglahad si Erin ng kamay na para bang sinasabing opportunity na niya ito para mahawakan ang lalaki. But then again, he just ignored Erin while still staring at me intently.

What? Ineexpect ba niya na makikipagkamay rin ako sa kaniya? No way!

Naramdaman yata iyon ni Vienna kaya hinila na niya paupo si Gab. Hindi matatago ang pagsimangot ng dalaga at pagtalim ng paningin nito sa kaniya.

Someone's jealous, huh?

Nagsisimula nang magsidatingan ang mga kaklase namin kaya unti-unti nang umingay sa loob ng silid. Si Erin ay naka-upo sa tabi ko at patuloy ang pag-iingay habang ikini-kuwento ang naging bakasyon niya.

"Good morning, beautiful!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Ivan at ang lapit-lapit pa ng mukha niya!

"The fvck, Ivan?!" Itinulak ko ang mukha niya palayo.

Ang daming peste ngayong araw na 'to!

Hindi naman ito umalis sa harap ko bagkus ay inilapag nito sa aking harapan ang isang supot ng starbucks at dalawang kapeng galing din doon.

"Ano 'to?" maang kong tanong, naguguluhan pa akong tumingin sa kaniya.

The last time I checked we're not that close and besides he's an engineering student so, why would he be here?

"Breakfast for you and oh for Erin, of course!" nakangiti nitong sagot at doon na nagsimula ang kantiyawan ng lahat.

Nakakarindi sila lalo na si Erin!

"I'll be your classmate with all the minor subjects from now on," pag-iimporma nito at kumindat pa sa akin kaya't lalong nagkagulo sa loob ng room.

Tumayo si Erin at nagpalipat-palipat ang tingin sa aming dalawa. "Wow! Are you courting my bestfriend?"

Lalo tuloy lumakas ang hiyawan dahil do'n tila hindi magkamayaw sa kilig ang mga nanonood sa amin. He just smiled and didn't answer Erin's question. Now, I'm more confused. What the f is happening?


Isang malakas na tunog ang nagpatigil sa hiyawan ng mga kaklase namin. "TSK! YOU'RE ALL SO NOISY AND CHIILDISH!" pagalit na saad ni Gab at malakas na ibinagsak ang kaniyang bag sa upuan.

Lahat kami ay nagulat lalo na noong umalis itong masama ang tingin sa akin at kay Ivan.

Now what?

-

Their Entangled Lives (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя