5. How sweet

96 30 35
                                    

Late akong nagising kaya dali-dali na akong nag-ayos at umalis ng bahay para maka-abot sa first subject ko. Kung bakit naman kasi masyado akong nagpuyat sa kakaisip!

Political Economy ang subject ko  kaya malamang ay hindi ko kaklase ang dalawang 'yon. Thank, God.

Sweater ang suot ko ngayon na tinernuhan ko pa ng maong jeans at boots. Hindi sa takot akong magsuot ng kung ano dahil sa nangyari kahapon. Ito lang talaga ang napili kong isuot.

Sa totoo lang hindi naman ang suot ng babae ang problema eh, ang problema ay ang mga marurumi nilang utak at pagkatao.

Nagsuot ako ng shades bago lumabas ng aking sasakyan. At as usual pinagtitinginan pa rin ako.

Hindi ko na lang iyon pinansin pa at nagmadali na akong pumunta sa room, nakita ko pa si Gabriel sa may parking lot na parang may inaantay pero hindi ko na rin pinansin pa. Hindi naman kami close!

Napansin kong naglalakad na rin siya sa bandang likuran ko, mukhang wala naman itong inantay baka saktong kararating niya lang rin no'n.

Whatever.

"Se!"

Bumungad sa pagpasok ko sa room ang bunganga ni Erin. Ano pa ba?

Sinimangutan ko lang siya at umupo na sa kaniyang tabi. First meeting pa lang naman namin ngayon sa subject na ito, so, wala pang klase. Probably magbibigay lang sila ng syllabus at magpapakilala. Pero may mga 'kj' din namang Prof na nagkaklase agad ng first meeting. Sila 'yong ang motto sa buhay ay 'time is gold'.

"Girl, nabalitaan mo na ba?"

Nagsisimula na namang dumaldal si Erin pagka-upo ko. Ewan ko ba kung paano ko siya natatagalan!

Kagaya kanina ay hindi ko na lang ito pinansin at nagkunwaring nag-cecellphone na lang.

"Ito naman! Kunwari naman ay excited ka at may pakialam. Badtrip ka, ha!"

And there she goes again! I just rolled my eyes and arched my brow.

Tila naman nagtampo ito sa ginawa ko kaya't tumalikod siya sa gawi ko na naka-crossed arms pa. Isip-bata!

"Sige na, sige na! Ano ba kasi 'yon?" pagsuko ko.

Hayun at bigla itong nabuhayan at humarap na sa akin na may ang ngiting tagumpay pa sa labi.

"So, 'yon nga, suspended ang mga nambastos sa'yo kahapon. Muntik na nga raw ma-expel kung hindi lang nakapagpigil ang anak ng may-ari ng school!"

"Suspended agad? Puwede naman detention muna, ah. Ang harsh naman." Tingin ko ay hindi tamang i-suspend agad ang mga ito dahil first offense pa lang naman iyon.

Though mali naman talaga ang ginawa nila.

"Ano ka ba, bagay lang 'yon sa kanila! I heard binugbog pa raw nina Ivan ang mga 'yon. Eh 'di ba, nabugbog na sila ni Gabriel no'ng una, double kill 'yon." Napataas na naman ang kilay ko nang sumuntok ito sa ere. "Girl, ang ganda mo talaga! Biruin mo pinagtanggol ka ng dalawang hottie! How to be you, po?" dagdag niya na hinahampas-hampas pa ako.

Napaka-sadista talaga!

"Again, hindi ako ang ipinagtanggol nila si Vienna 'yon kasi nabastos din siya kahapon kaya galit na galit si Gabriel. As for Ivan naman, syempre ipagtatanggol niya 'yon kasi Vice President siya ng Student Council, 'di ba."

"Asus, deny pa!"

Hindi do'n natapos ang pagkasadista niya, hayun at kinukurot-kurot naman ako ngayon sa tagiliran! Mabuti na lang at dumating na ang Prof namin kaya natahimik na siya pero kapag napapatingin ako sa kaniya ay hayun na naman ang mala-aso niyang ngisi. Bruha talaga!

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now