14. Missing pieces

54 16 16
                                    

Nang makaalis sina Gabriel at Vienna ay kaagad dumaldal si Erin. Uhaw na uhaw sa tsismis, ano pa nga ba?

"Girl, nilagnat lang na-ospital na agad? Kinombulsyon?!" natatawang sambit nito bagamat makikita ang pag-aalala sa mukha.

"Blame Gab, napaka-oa!" natatawa ko ring sagot.

Lumapit naman siya at humiga sa tabi ko. Yumakap pa siya sa baywang ko at isinandal ang ulo sa aking balikat. If I have to choose between Erin and Vienna, I'll no doubt choose this girl. She's the sweetest friend I ever had. I can't lose this girl. Ever.

"Wow, Gab? Close?" Kinukurot-kurot pa ako nito sa tagiliran.

Napahawak tuloy ako sa railings ng hospital bed para hindi mahulog. "Ano ba? Stop it, Erin! I'm sick, can't you see?"

"Saan? Patingin nga?" Sinalat-salat niya ang noo ko at saka ngingisi-ngising nagsalita. "Love sick?"

"WHAT? NO! WHY WOULD I BE?!" Tinampal ko ang kamay nitong kinukurot pa rin ang tagiliran ko.

"Ay, defensive?! Relax, I was just joking!" Hayun pa rin ang ngisi at mapanukso niyang mga mata.

Sa kawalan ng maisasagot ay nagkunwari na lang akong nagtatampo sa kaniya. Tumalikod rin ako sa gawi niya.

Natawa ito. "Why are you so grumpy today? Don't tell me..." ang sarap lakumusin ng mukha niya
para mawala ang mapanukso niyang tingin!

"What? What? What??"

Tss. Pareho sila ni Gab!

"Don't tell me... you're jealous of Vienna? Binabakuran ba ang jowa?"

"Tss. She's not his girlfriend! Gab told me earlier," pagtatama ko sa kaniya dahil do'n ay nanlaki ang mga mata niya.

Napabangon pa siya sa pagkakahiga at hinawakan ang magkabila kong balikat. "For real??" Nagniningning ang mga mata nito.

Tss.

"Yeah. Why? Are you going to court him?" Wala pa man pero nag-iisip na ako ng paraan kung paano siya gigilitan ng buhay!

"Of course!"

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin at ang bruha ay tinawanan lang ako.

"Not! Aagawan ba naman kita? Eh, GabNa shipper ako!" natatawa nitong dagdag.

What the hell? GabNa?! Talagang may nabuo pa siyang loveteam, ha!

"GabNa? Tss. So childish!"

Biruin mong college na pero may mga pa-loveteam loveteam pa siyang nalalaman!

"Sus! If I know, you're just kinikilig!"

Natawa ako sa pagiging conyo niya. Ang daming kaartehan sa katawan!

"Seriously? You're now a conyo girl?"

"Ano ka ba! I just forgot the english word for 'kilig' kasi."

And she's still being conyo. Napahalakhak na lang ako sa aking naisip.

"You know what, if Vienna hasn't called, I wouldn't know you were here. I thought she's really concerned for you but it turns out that she just doesn't want you near Gab. What an insecure woman!" Erin rolled her eyes.

She really hates Vienna because according to her, she can sense Vienna's bad aura hidden beneath her oh-so angelic face.

"Yeah, right. She didn't even ask if I'm okay which shows that she's really here for Gab. Like duh! Habol na habol girl?" Maging ako ay napapa-roll eyes na lang din sa kadesperadahan ng aking... unfortunately, pinsan.

Their Entangled Lives (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon