33. The past

56 4 5
                                    

"Are you sure she's okay, Doc?"

"Yes."

"Bakit hindi pa siya nagigising kung gano'n? I think you should check her again."

"Sir, she's fine, I assure you that. She's just exhausted."

Awtomatiko akong napamulat nang makarinig ng ingay na napag-alaman kong galing sa isang doktor at kay Ivan na may nag-aalalang mukha habang nakikipagusap.

Am I in the hospital again?

Iginala ko ang aking paningin at nakumpirma ngang tama ang aking hinala. Doon ko pa lang naalala ang nangyari. Nabangga ang sasakyan namin at dahil doon ay muling bumalik ang mga alaalalang ayaw ko na sanang balikan pa.

Ang mga tagpong iyon ang nagpaguho ng mundo at sumira ng mapayapa kong isipan. Ilang minuto rin akong tulala sa mga oras na iyon hanggang sa kalaunan ay nagdilim na lang ang paningin ko at wala na akong maalala pa matapos n'yon. Nagising na lang akong nandito na sa puting kuwartong ito.

"No, you should run a test on her! What if she have a blood clot because of the accident?!" Galit man ay mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala sa boses ni Ivan.

Yesterday? So I've been sleeping for a day now?

Masyado yatang napagod at natrauma ang katawan ko at hindi na kinaya. Well, it was indeed an exhausting day for me.

"Please calm down, sir. She just need to rest for awhile. She'll eventually wake up, you see." kalmado pa rin at propesyunal kung sumagot ito kahit na nakukulitan na kay Ivan.

"No! Check her again!"

Bumaling pa si Ivan paharap sa gawi ko at dahil do'n ay nanlaki ang mata niya nang makitang gising na ako. Kaagad nitong tinakbo ang distansya namin at walang pasabing hinawakan ang pisngi ko.

He examined me with his look, it was as if he's trying to know if I'm really okay. He opened his mouth to say something but, before he could even utter a word, Erin cut him off and pushed him away from me.

"Se! Are you okay now?" Siya naman ngayon ang humawak sa pisngi ko at pipisil-pisil na ipinaling ito sa kaliwa't-kanan na animo'y isa siyang doktor.

Nagulat na lang ako nang maglabas siya ng isang pen light at itinutok iyon sa aking mga mata! She acted like a professional doctor while examining me. What a freak!

"Ilan 'to?" Ibinalandra niya sa aking mukha ang kaniyang apat na daliri.

Nakita ko pa ang paglapit ng doktor sa gawi ko, "Ma'am, let me do the checking, please." Ang mukha nito ay tila 'di makapaniwala sa inaasta ni Erin.

Mas lalo pa itong lumapit para sana suriin ako ngunit natigil iyon nang iharang ng kaibigan ko ang kamay niya paharap sa mukha ng doktor.

"I'll do it, Doc. You can go now!" Ikinumpas pa ni Erin ang kamay na para bang sinasabing umalis na siya at hindi siya kailangan dito.

"But--"

Nanlalaki ang mata at nakataas ang kilay na bumaling si Erin dito, "Hep! Kanina ka namin kailangan, ngayon ay hindi na."

The doctor was left with no choice but to leave. He seems frightened with this freak beside me, but the latter didn't even give a damn. Parang walang nangyaring bumaling ulit siya sa akin at itinaas na naman ang mga daliri.

"Ilan 'to?" Ngayon ay tatlong daliri naman ang kaniyang ipinapakita.

I rolled my eyes on her, "Ugh. Cut it out, Erin! I'm okay," I said as I lift myself up on bed.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now