Part 19

2.8K 117 3
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV






So ito na. Nakatayo ako ngayon sa harap ng gate ng isang malaking bahay.

Tuloy na talaga ang meet the parents. Hehe jk lang.

Tiningnan ko ang kabuuan ng labas ng bahay. May malaking gate tas mapapansin mo sa loob na may malawak itong harden sa harap ng bahay. May mga sasakyan ding nakaparada sa harap. Mansion po bahay ng asawa ko mga pre. Echos, jk lang. Aasawahin pa lang.

Hala ka, landi amputs

May guard na nka bantay sa labas ng gate.

"Mga bosing, pupwedi po bang pumasok? Pinapunta po kasi ako ni Ms. Chantilly" tanong ko sa mga guards.

"Ay, sino po ba sila?"

"Ah, eh" napakamot ako sa ulo. "Boyfriend niya po?" Patanong kong sagot.

Abay, malay ko ba kung alam nilang may boyfriend na yung madame nila. Baka kasi patago lang kasi mga relasyon nito.

"Ah, ikaw pala yung sinabi ni ma'am na papapasukin. Sige po sir, pumasok na po kayo sa loob. At ang gwapo niyo po. Bagay kayo ni ma'am"

Shocks

Ay grabi c kuyang guard. Nahiya ako dun ah. "Hehe, salamat po. Sige po, mauuna nko. Papasok na ko sa loob." Magalang kong pahayag. Bait niya eh. Nakaka appreciate talaga siya ng mga magaganda at gwapong nilalang sa mundo. Alagang-alaga talaga ang mata. Hahaha

Nagpatuloy nako sa paglalakad papasok.

Pagkaabot ko ng pinto, nangagantog yung mga paa ko.

Ho may gas. Kinakabahan ako.

'Hoy! Ano bayan. Kala mo naman bibitayin ka na. At ano akala mo, meet the parents talaga sadya mo dito? Timang lang. Pinapunta ka dito para sunduin siya at lalabas na kayo. Yun lang. Huwag kang mag expect ng kung ano-ano diyan.' Sabat ng bwesit kong utak. Ayan nanaman po siya. Mahilig talagang manglait.

Di ko nalang pinansin si kompareng utak. Hindi kami na bati eh. Bahala siya. Inaway niya ko hmmp...

Nag doorbell na ako at agad naman itong bumukas.

"Good afternoon po sir. Pasok po kayo sa loob. Sasabihan ko po si maam na nandito na kayo." Salubong sakin ng isang katulong nila.

"S-salamat"

"Cge sir, maiwan ko po muna kayo. Maupo nlang po muna kayo dyan" sabi ni ateng katulong bago umalis.

Wow..... infairness ang ganda ng bahay ni babaeng mahangin. Kung maganda na nung sa labas palang, mas naman dito sa loob.

The interior was designed in a classic-modern theme. Para siyang inspired from Greek and Rome but it was more modern and trendy. It is aminimalist style and a combination of modern style with simple style. Style's color was a mixture of brown, beige, chocolate brown, and white shades.

"Ahem"

Naputol yung paghanga ko sa bahay nang may tumikhim. Napatingin ako sa taong pinanggalingan nito.

Diyos ko po! May anghel!!!

"P-po?" Oh my God. Ang gwapo sheyt.


"Boyfriend ka ba ng kapatid ko?" Nakangiting tanong ni kuyang pogi.

Pweding sayo, chos. "O-opo, ehehe" pacute kong sagot. Eh naman kasi, ngumiti pa.






"Well, nice to finally meet you. I'm Brix Gabriel Chantilly but you can call me Brix" sabi ni babe Brix.




360° (gxg)Where stories live. Discover now