Part 42

2.1K 103 5
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV








"Hoy, bakit ka nga natatakot?" Kumunot ang noon niya. "Huwag ka ngang lumalayo sa akin." Reklamo niya sa akin. "Why are you backing away from me?" Naguguluhan niyang tanong.  "Di ba ikaw si Raine, right?" Alanganin niyang tanong sa akin.





"Y-Yeah, ako nga si Raine." Pag-amin ko. "Pero bakit nasa iyo yang aklat ko?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako dun sa aklat na hawak niya ngayon.






Napatingin din siya sa aklat na hawak niya. "Someone gave this to me. Ipiaabot mo daw sa akin." Nagtatakang sabi niya sa akin.






Nagulat ako sa narinig kong sagot niya. "No." Tanggi ko. "Wala akong naaalalang may inutusan akong tao na magbigay niyang aklat sayo. Bigla na nga lang itong nawala sa akin." Paliwanag ko.






Naguluhan siya sa sinabi ko. "Really?" Tanong niya at tumango ako sa kanya. "Pero ipinabibigay mo daw ito sa akin. Naguluhan pa nga ako nung una pero tinanggap ko naman. Wala ka din daw sinabi sa kanya at nag-utos ka lang daw sa kanya na ibigay ito sa akin."





"Sino nagbigay niyan sayo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

















"Si Artemis."





"Si Artemis?" Tanong ko ulit.





Paanong napunta ang aklat kay Artemis? May alam ba siya sa nangyayari?





Ininukan niya ako ng mata. "Are you deaf? Kasasabi lang eh." Maldita niyang sabi sa akin.






Hayyy... Kailangan kong komprontahin si Artemis nito. Sana may alam siya para masagot na niya ang sitwasyon ko ngayon.






Napansin kong giniginaw na siya. "Uwi na tayo." Pakunway sabi niya sa akin habang niyayakap yung sarili.




Ang lamig na nga.





"Ok. May dala ka bang sasakyan mo?" Tanong ko.




"Wala."





"So hinatid ka lang papunta dito?" Umiling siya. Nagtaka ako. "May susundo ba sayo?






"Wala."





Naikunot ko ang aking noo. "Huh? Bakit?" Tanong ko.





"Di nila alam na nandito ako. Tumakas lang ako sa bahay." Paliwanag niya sa akin. Di ako umimik. Ayaw kong mangialam. Kung gusto niyang malaman ko yung dahilan, hihintayin kong siya mismo mag-open up sa akin. Ayw ko siyang pilitin.





"Tara na. Ihahatid nalang kita sa inyo." Aya ko sa kanya.  "Natuyuan na din tayo pariho ng damit. Baka magkasakit pa tayo." Tumango siya sa akin at sabay na kaming naglakad papunta dun sa ipinarada kong sasakyan.





Habang pinapaandar ko ang makina ng sasakyan ay nagsalita siya. "Doon ka na matulog sa bahay namin."



"Huw-" Tatanggihan ko sana yung offer niya pero pinutol niya yung sasabihin ko.



"Don't you dare take down my offer." Banta niya sa akin. Napatango nalang ako sa kanya at pinasibad na ang sasakyan papunta sa bahay nila.














360° (gxg)Where stories live. Discover now