Part 38

2K 97 0
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV




"H-Hey... Are you, okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Angel.



"Anak, anong problema? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala ding tanong ni dad sa akin.



Nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay yung sagot ko. Bakas sa mga mukha nila yung pagtataka at pag-aalala.



Pinahid ko yung mga luha kong patuloy pa din sa pag-agos. "N-No. I'm okay. Gutom lang to haha. " Pilit kong pinasigla yung bosis ko.




Mukha namang nauto ko silang lahat maliban nalang kay Angel na nakatitig pa din sa akin. May something sa kanyang mga titig na waring may ipinararating ngunit di ko maipaliwanag kung ano yun. Kaya nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya. Di ko kayang salubungin yung mata niya. Naiiyak ako.





"Ikaw kasi anak. Napaiyak tuloy si Ren dahil ang tagal mong dumating." Biro ni Mr. Kaiya sa anak. Nagtawanan naman ang lahat at nakitawa nalang din ako.




"O siya, let's eat?" Alok ni Mrs. Kaiya. Tumango naman ang lahat sa kanya at nagsiupuan na sa kani-kanilang upuan.





"Ren" Tawag pansin sa akin ni Mr. Kaiya. Nakatayo pa din kasi ako hanggang ngayon. "Bakit di ka pa naupo iho? May problema ba?" Tanong niya sa akin.





Umiling ako sa kanya. "No sir. Wala pong problema." Sagot ko sa kanyang katanungan. "Cr lang po ako. Excuse me." Magalang kong paalam sa kanilang lahat. Tumalikod na ako at nagmamadaling umalis papuntang cr.





Pumasok na ako sa loob ng restroom ng mga lalaki. And thank God at walang tao sa loob pagkapasok ko.




Lumapit ako dun sa hugasan ng kamay na may malaking salamin at naghilamos. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at pumikit ng mariin pagkatapos. Huminga ako ng malalim at agad din itong pinakawalan. Mga sampung segundo ang lumipas ay muli kong inimulat ang aking mga mata. "It's okay Raine. You can do this." Pampalakas loob kong sabi sa sarili habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.




Muli akong nagpakawala ng isang malalim na hininga bago napagpasyahang lumabas na ng banyo at bumalik na sa table.



Pagkabalik ko sa table ay nakahanda na doon ang mga pagkain. Nag-uusap usap sila at nung napansin ako ni Mr. Kaiya ay inaya na niya akong maupo at ng makakain na kami.



Nag-uusap usap sila habang kumakain kami. At ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.





Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay binanggit ni Mr. Kaiya ang aking pangalan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Kamusta naman ang pag-aaral mo Ren?" Tanong nito sa akin.




Nilunok ko muna yung pagkain na nasa bibig ko bago magalang na sumagot. "Ayos lang naman po sir. At maraming salamat po pala sa scholarship offer niyo sa akin." Hinging pagpasalamat ko sa kanya.




"Stop calling me sir, Ren." Saway sa akin ni Mr. Kaiya. "Call me Tito Miguel from now on." Nakangiting utos nito sa akin.




"Call me Tita Tessa also Ren." Singit naman ni Mr. Kaiya sa usapan namin ng asawa niya.



Tumango naman ako sa mag-asawa bilang sagot.



"Ikaw naman iha. Kumusta ang pag-aaral mo? At saan ka nga uli nag-aaral?" Tanong naman ni dad kay bestfriend.




Tahimik naman akong nakinig at naghintay sa isasagot ni Angel.




360° (gxg)Where stories live. Discover now