Part 29

2.1K 98 0
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV

"So you mean your not Ren?" Naguguluhang tanong sakin ni Ysabelle.  Ipinapaliwanag ko kasi ngayon sa kanila ang sitwasyon ko. Wala na akong ibang naisip na paraan. Kailangan ko na talaga ang tulong nilang dalawa.

"Yeah. I'm Raine not Ren."

"Huh?" Naguguluhan ding tanong ni Alister. "Hindi ikaw yung kaibigan namin?"

"No. I  mean yes? Ugh! Paano ba to... Ah ganito kasi yan. Umm.. ako yung kaibigan niyo pero I'm the girl version. Nasa katawan ako ng kaibigan niyong si Ren pero ako  si Raine."

"Huh? Ang gulo mo" ani ni Alister.


"Gahd! Basta mahirap i explain." Naiiyak kong sabi sa kanila. "Pero ako yung kaibigan niyo. Di lang ako si Ren"


"Wait... Medyo gets ko na. Kaibigan ka namin pero hindi ikaw si Ren." Ani ni Ysabelle at tumango ako.

"Inulit mo lang sinabi ni Ren o Raine? Ah basta. Inulit mo lang sinabi ni kaibigan. At pariho kayong magulo" singit ni Alister.

"Manahimik ka nga muna. Di pa kasi ako tapos." Inirapan ni Ysabelle si Alister. Tumingin naman siya sakin pagkatapos. "Huwag mo na nga munang pansinin yung isang kumag diyan." Aangal pa sana si Alister pero pinagsingkitan siya ng mata ni Ysabelle kaya itinikom nalang uli nito ang bibig. "So ito na nga. Raine right?" Tumango ako. "Okay... So you mean to say, ikaw si Raine na kaibigan rin namin na nasa katawan ng kaibigan naming si Ren. Tama ba?" Tumango uli ako. "Pero babae si Raine or ikaw, at lalaki naman si Ren na ngayon ay katawan mo na... So asan na si Ren? And as far as we remember, lalaki ang kaibigan namin at wala akong maalalang may naging kaibigan kaming nagngangalang Raine. Paanong nangyari yun?"


"Di ko rin alam kong paano at wala rin akong alam kong nasan na ngayon yung kaibigan niyong si Ren. At tama ka, wala kayong alala at alam patungkol kay Raine or sakin dahil hindi siya nag e-exist sa mundong ito. Well, now I exist... Basta hindi ko maipapaliwanag kong paano. Nahihirapan na nga ako." Naluluha na naman ako. Nafu-fustrate na talaga kasi ako. Nahihirapan nako sa sitwasyo ko ngayon. "Ang huli kong naalala ay galing akong bar ng pinsan ko at nung medyo lasing nako, nag pasya nakong umuwi ng condo ko. Then kinabukasan, pagkagising ko..." Tinuro ko ang katawan ko mula ulo hanggang paa. "Nandito na ako sa katawang ito. Nasa katawan nako ng kaibigan niyong si Ren" Di ko na talaga napigilan at naiyak nakong muli. Agad rin naman akong nilapitan ni Ysabelle at niyakap.


"Hey stop crying Raine" pagpapatahan sakin ni Ysabelle. "We'll figure this out okay? Tutulungan ka namin ni Alister" Napatingin naman ako kay Alister at ngumiti siya sakin.

"Yeah Ren- I mean Raine, tutulungan ka namin. Kahit na naguguluhan parin ako ngayon, di ka namin pababayaan. Solid tayo mga bro." At nakisali narin siya sa yakapan namin. Yakapan 2.0 na. Naappreciate ko talaga tung dalawang to. Ang swerte ko.



"Salamat guys. Sa totoo lang, di ko na talaga alam ang gagawin ko. Nakagawa pa ko ng mga bagay at desisyong mali." Nalungkot naman ako nang muli kong  maalala yung pinaggagawa ko nitong nakaraan. Dahil sa gulong-gulo nako sa mga pangyayari, nasaktan ko at tinutulak palayo yung mga taong nasa paligid ko. Yung mga taong nagpapahalaga at nagmahal sakin... at yung minahal ko.


"Hey, it's ok Raine. We can still make it right. Tiwala lang." Pagpapalakas loob na sabi ni Ysabelle sakin at tumango ako sakanya.




360° (gxg)Where stories live. Discover now