Part 21

2.6K 124 12
                                    

"Hi  'Mo Chisle'" bati ko sa kabilang linya.

"Mo Chisle??? Sino yun? Babae mo?!!!" Galit niyang tanong.

Naluko na, galit na ang chisle ko. "H-hindi Bell. Tawagan yan natin"

"Tawagan?"

"Oo, 'Mo Chisle'. Ang ibig sabihin niyan ay 'My Heartbeat'. Ikaw kasi ang timitibok ng puso ko. At pinaghirapan ko kaya yan sa pag search sa internet, hahaha.  Ang sweet di ba? Hehehe"


"Hahaha, sige pwedi na. Sabi mo nga, pinaghirapan mo yan eh, hahaha. So, what's up?"


"Nakauwi na kayo?" Gabi na kasi.

"Pauwi na."

"Yung pasalubong ko bukas ha" Pabiro kong sabi.

"Pag iisipan ko"

"Ehh" maktol ko. Nagpout pako kahit alam kong di niya makikita.

"Hahaha. Para kang bata. Go to sleep na. We are near our house na rin naman."

"Cge. Magpahinga ka at matulog ng maaga ha. Maaga pa yung klase mo bukas." Paalala ko. "Good night na a-at, I l-love y-you..." nahihiya kong sabi. Gahd! Nakakahiya, ano ba kasing nakain ko at sinabi ko yun.

Natawa naman siya sa kabilang linya. "Ang sweet ah" tukso niya sa akin. Nakakahiya talaga my gahd! "Cge good night din. Sweet dream" parang na disappoint naman ako sa naging tugon niya.

"Ok" malungkot kong sabi.

Natawa uli siya sa kabilang linya. "I love you too. Bye..." sagot niya bago pinutol yung tawag.

Para akong timang at napatili sa higaan ko.

May narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko ito. Ay si mama pala. "Bakit po ma?"

"Ok ka lang ba? May kasama ka bang iba dyan? May narinig kasi akong parang impit o parang kinakatay na tunog ng pusa sa kwarto mo."

Ay grabi si mama. Ganon ba tunog ng tili ko? "A-ay wla po yun. Naipit lang ako. Hehehe, cge na ma. Matutulog na ako. Good night." At hinalikan ko na siya sa pisngi.

Nag good night naman din siya pabalik bago ko sinara ang pinto. Napatili uli ako ng maalala ko yung tawag na nangyari kanina. Pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko. Baka marinig nanaman ulit ni mama, laitin pa ko nun.

Bumalik na ako sa pagkakahiga at niyakap yung unan. Nakangiti akong pumikit ng mata.







Kinabukasan, maaga akong pumasok. Maaga rin kasi ang oras ng schedule ng first class ko.

Dumiritso akong canteen at pagkapasok ko ng canteen ay nakita kong nakaupo na si Alister sa isang bakanting mesa mag-isa. Mamaya pa kasing hapon yung klase ng first subject ni Ysabelle. "Morning Ren." Bati nito at nag bro-fist kami.

"Morning din. Cge bili na muna ako" sagot ko bago umalis na para umorder. Bali dalawang breakfast yung bibilhin ko dahil makakasabay namin ngayon ng chisle ko.Pagkatapos kong umorder ay bumalik nako sa upuan namin at kita kong nandon na si Bella at nag uusap na silang dalawa ni Alister.

Naging ka-close narin namin si  Bellatrix sa circle of friends
namin. Masarap rin naman kasi itong kausap kaya rin siguro naging ka close na niya cla Alister at Ysabelle.

"Yo mo chisle , good morning" bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya. My gahd, lambot talaga ng pisngi niya, sarap halikhalikan.

"Morning din. Kain na tayo?"

"Cge" Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Nagtatawanan rin kaming tatlo at nagbibiruan sa isa't isa.

Napatingin ako kay Bellatrix. Ang ganda talaga niya. Ang swerte ko at naging girlfriend ko siya. Hayss, magiging girlfriend ko pa rin ba ito kahit na babae ako?

"Ahem! Baka ibang ulam na ang makain mo Ren" biro sa akin ni Alister.

Hinagis ko naman sa kanya yung bote ng tubig ko. "Ang bastos mo talaga Al"

"Hala, anong bastos? Anong ulam ba yang iniisip mo. Ang ulam kasi na nasa isip ko ay yung ulam mismo ni Bellatrix. Oy, green minded siya. Tsk. Tsk. Tsk. Palinis mo na yang utak mo bro" natatawang kantyaw niya sa akin.

Namula naman ako sa sinabi niya at napatingin ako kay Bellatrix. Kumakain lang ito pero kita ko yung ngiti sa mukha niya. My gahd, nagiging manyak na ako.

Nagpatuloy narin ako sa pagkain at si Alister ay hindi parin magkamayaw katatawa. Nakakahiya talaga.

Habang kumakain ay napabaling ako sa isang direksiyon. May isang babae kasing nakaagaw niyang atensiyon ko. Pamilyar ito sa akin kaya pilit ko itong inaalala.

"Imposible..." bigla kong nabigkas.

"Hey. Ok ka lang?" Napabaling ako kay Bella at nakatingin ito sa akin ng may pag-aalala sa mukha at pagtataka.

"Bro, bakit ka umiiyak?" Tanong rin sa akin ni Alister kaya napahawak ako sa mukha ko. Basa ang mukha ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

Bumaling uli ako sa direksiyon nung babae kanina. Wala na ito doon at hinanap ito nang mata ko. Di ko na talaga ito mahagip dun. Baka guni-guni ko lang yun.

"Hey , ok ka lang ba talaga? Sino bang tinitingnan mo diyan"

"H-ha? Ah w-wala. Napuwing lang ako kanina." Palusot ko.

Magtatanong pa sana ulit si Bellatrix sa akim ngunit tumayming naman at tumunog yung bell. Hays, saved by the bell. "Tayo na, baka mahuli pa tayo sa mga klase natin." Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. "Tara na. Hatid ka na namin ni Alister." Sabi ko sakanya. Humarap naman ako kay Alister at tinawag ito. "Al.." tumango rin naman saakin si Alister bilang sagot.

Tumayo na silang dalawa. Kinuha ko yung bag at aklat ni Bellatrix at ako na ang nagdala. Tahimik kaming tatlo habang naglalakad papuntang silid ni Bella. Panay naman ang nakaw ng tingin sa akin ng dalawa at alam kong nagtataka at nag-aalala silang dalawa sa akin.


"Ren an-" magtatanong pa sana sa akin si Bellatrix nang pinutol ko ito.

"Nandito na tayo. Cge na, pasok ka na sa  loob." Sabi ko bago ito hinalikan sa pisngi. Binigay ko naman sa kanya yung bag at aklat niya. Napilitan naman siyang pumasok nalang sa loob.

"Salamat" tugon nito bago tuluyang pumasok sa loob.


"Ren.."  tawag naman sa akin ni Alister.

"Pls. Alister, ok la-" sasagot pa sana ako nangpinutol niya ang sasabihain ko.

"Tara na." Nakangiti niyang sabi.

"C-cge" nautal ko namang sagot.

At tumuloy na kami sa paglalakad papuntang sarili naming silid. At habang naglalakad kami, iniisip ko parin yung nakita ko kanina.







Imposible kaya yun?































Imposible kayang buhay pa siya?


















Ang babaeng unang nagpatibok sa puso ko...






















At ang una ring nagpahinto nito?
































Ang bestfriend kong....

































First Love ko rin....















360° (gxg)Where stories live. Discover now