Part 40

2.1K 98 9
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV










4 days na akong iniiwasan ni Moch. At sa loob ng  four days na iyon, ay mas napapalapit ang loob ko kay bestfriend.




In that 4 days, my feelings for the both of them are still unclear.



I was sure to myself na mahal ko si Bellatrix. But the moment na nakita kong muli ang bestfriend ko, naguluhan ako. My feelings for my bestfriend ay kusa nalang bumalik, just like how she returned to my life.



And now, I'm miserably confuse.








Today is Sunday at nagtext sa akin si Angel at inaaya akong lumabas kaming dalawa. Kaya naman, nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila at hinihintay siya sa kotse. Dito ko nalang daw kasi siya hintayin sa labas para makaalis na din kami agad. It's already 3:06 pm.




Mga limang minuto lang ay lumabas na din siya ng bahay nila.



Simple lang yung suot niya. She's wearing a denim short at a plain red v neck shirt naman sa pang-itaas. Pinarisan niya ang suot niya ng white Nike shoes. Nakabun lang din ang buhok nito.





Nakangiting lumapit siya sa akin at kita ang malalim na dimple nito sa magkabilang pisngi. Ang kyut niya talaga. Sabayan mo pa ng height niyang ang cute din.




"Tara na?" Tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya. Pinagbuksan ko muna siya ng pinto ng sasakyan bago ako pumunta sa driver's seat.



"So san tayo?" Tanong ko sa kanya habang pinapaandar ko yung makina ng sasakyan.



"Icecream!" Masiglang sagot nito sa akin.



Natatawang tumango naman ako sa kanya bago pinasibad ang sasakyan sa isang icecream parlor.


Pagkarating namin ng bilihan ng icecream ay agad ko ding pinarada ang sasakyan. Nauna akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto.



Sabay kaming pumasok sa loob ng icecream parlor at agad na dumiritso sa counter para pumili ng mga icecream na kakainin.


"Anong gusto mong flavor?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa iba't-ibang klase ng icecream.



"Yang buko pandan flavor, tapos yang avocado flavor. Pati narin yang
mango flavor." Magiliw na sagot nito sa akin.

Tumango ako sa kanya at umorder na nung mga gusto niya at pati narin yung akin. Pagkatapos naming mag order ay naghanap na kami ng mauupuan.


Pagkaupo namin ay nag-usap lang kami ng kung ano-ano. Di naman nagtagal yung order namin at mga limang minuto lang din ay sinerve naman na sa amin yung icecream namin.


Mga two hours din ang tinagal namin dun sa icecream parlor bago napagpasyahang umalis na dun. Napasarap kasi yung naging pag-uusap namin.



"So san tayo next?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan ko siya ng pinto ng sasakyan.


"Mall tayo. May bibilhin kasi akong stuffed toy kay bunso. Dun na din tayo magdinner. Pagkatapos naman nun, maglalakad tayo somewhere at kakain din tayo ng mga street foods pagkatapos." Excited na sagot nito sa akin.



Ngumiti nalang ako sa kanya bago pumasok na din ng sasakyan at magmaneho.












Nandito na kami ngayon sa loob ng mall. Nandito kami sa section ng bilihan ng mga stuffed toys.

360° (gxg)Where stories live. Discover now