Part 27

2.5K 110 0
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV





Pagkatapos kong isira ang pinto ay napasandig ako dito at napapikit ako ng mariin at tumaas baba ang aking balikat indikasyon na napahagulhol na pala ako sa pag-iyak. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit.... Napadaos-os ako mula sa pagkakasandig ko na nakatayo sa pinto, paupo sa sahig.

Ibinuka ko ang aking mga mata at tumingala patingin sa kisami ng room na ito, habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko mula sa mata pababa sa aking pisngi. I deserved that. Deserve kong iwan ako ng mga taong pinahahalagahan ko, at ng mga taong mahal ko. Kabayaran ko to sa mga kasalanan ko. Gago kasi ako eh. Ang sama-sama kong tao.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata at inalala ang mga masamang kasalanan kong nagawa noon. Kung gano ako ka gago at kaduwag.

When I was a child, I am spoiled both from my parents. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Nung nag start na kong mag-aral ng elementary ay napabarkada ako. Nagkabarkada ako ng mga maldita, spoiled brats, mapanglait at nang bu-bully ng ibang tao.

Though, di naman talaga ako tulad ng sa ugali ng mga naging kaibigan ko. Yeah, I'm spoiled that time, but never akong nagmataas sa iba. Nangbubully at nang-aapak na ang mga kaibigan ko that time pero, hindi ako nakisali at nakialam sa mga ginagawa nila, at pinabayaan ko lang sila sa mga pinaggagawa nilang mali. I know at fault rin ako dahil sa di ko sila pinigilan sa mga pinaggagawa nila.

When I was in grade 4, nagkagusto ako sa isang tao. The problem was, she was a girl. I was so afraid that time. Hindi ako makapag-out sa mga parents ko dahil takot akong kamuhian nila and even to my so called 'friends' dahil homophobic sila. Yes, ang mga naging barkada ko nung elementary ay mga homophobic sila at paborito talaga nilang bullihin at pagkatuwaan ang mga part ng LGBT noon. Kaya ganoon na lamang katakot ang aking naging nararamdaman.

Pasimple lang akong humanga sa taong nagugustuhan ko that time. Naging magkaklase kami noon at tuwing nalalapit ako sa kanya ay kinakabahan ako. Patago naman ako nun kung magdiwang sa loob-loob ko basta magkagrupo kami sa isang groupings. Humanga talaga ako sa kabaitan niya. Matalino rin siya at matulungin sa kapwa. Di siya ganoon ka gandahan pero cute siya. Basta, tinamaan talaga ako sa kanya ng tudo.

Last day before our Christmas break started, I actually bought an advance gift for her. Patago ko yung nilagay sa locker niya. Naggagawa pa ko nun ng cards at kalakip na ipinasok sa gift. And my gift for her was a necklace with a heart shaped pendant and engraved at the back of it was the phrase, 'my heart points at you', while on the front of the pindant, the number '360°' was engraved on it. And I was actually waiting for her that time, to open her locker and for me to be able to watch her reaction the moment she sees my gift. And also that time, I was making excuses to my friends , in order for them to go home first without me. Yup, I'm a succer for her.

During the days of Christmas break, I always stalked her social accounts for everyday updates of her. Gahd! I'm so inlove with her that time. And when it was exactly 12 am, finally Christmas, I was so eager to send her atleast an Christmas message. I still remember kung gaano ako pinagpawisan nun at kinakabahan sa pagtatype ng dalawang simple na salita, 'Merry Christmas'. Tapos sumasakit pa yung tiyan ko at nanginginig ang kamay kong pinindot ang send button. Nakahinga ako nun ng maluwag pagkatawapos ng ginawa ko. Nakangiti pa ko ng malawak habang kumakain kami. Proud talaga ako sa sarili ko that time.

After we finished eating, tiningnan ko yung account niya at nakita kong online siya nun kaya nadismaya ako non nung nagseen lang siya sa message kong pinaghirapan ko talaga. Pero laking gulat ko that time nung nag video call siya. Lumaki yung mata ko nun at bumilis ang pintig ng aking puso. Nabitawan ko pa nga yung cellphone ko. Dali-dali ko naman yung pinulot agad pero laking dismaya ko ulit nung nasira yung cellphone ko. Namatay ito at nabasag pa ang screen. Naiiyak ako nun sa kabobohan ko.

360° (gxg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora