Part 45

2K 105 25
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV






"Saan naman natin siya hahanapin?" Tanong ko kay Luna.






"I'll text her. I'll ask for her location." Sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Got it." Anunsiyo niya sa akin nung nagtextback sa kanya si Artemis. "She's at the basketball court sa gym."







Ang hilig naman ng babaeng yun tumambay dun. Wala na ba siyang ibang spot na alam?






"Tara na." Aya sa akin ni Luna at nauna siyang naglakad. Sumunod naman ako sa kanya.




Habang naglalakad kami ay nagtanong ako sa kanya. "Anong course ba kinuha mo?" Tanong ko sa kanya.




"Architecture" Sagot niya.





Ang tipid naman sumagot ng babaeng to.





"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko uli sa kanya.






"Meron." Sagot naman niya sa akin.





"Uhm, so bakit mo nga pala ako tinutulungan?" Tanong ko habang humahabol sa kanya. Ang bilis naman kasi maglakad ng babaetang to.





"Like I said, I promised Angel I'll help you."




"I know but pwede mo naman ako tulungan pagkatapos na ng klase mo eh." Pangdadahilan ko.





"The earlier, the better."  Rason niya.





"Di ako naniniwalang ganun lang kababaw dahilan mo." Pang-uusisa ko. "Uhm, i-is it because you like A-Angel?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.






Huminto siya sa paglalakad at napahinto din ako. Humarap siya sa akin. Seryoso siyang tumingin sa akin at tinaasan ng kilay. "Really Raine?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin. Napakamot nalang ako sa ulo ko.





Nga naman Raine, ang bobo ng tanong mo.






Tumalikod na siyang muli at nagpatuloy sa paglalakad. Naglakad nadin ako at nakasunod lang sa kanya.
"Ehh... bakit nga?" Pangungulit ko pa sa kanya. "Huwag mo sabihing, tinutulungan mo ako dahil gusto mo ako!" Gulat na kongklusyon ko.





Again, huminto siya sa paglalakad at dahil di ko agad yun napansin, nabanga ako sa likuran niya. "Aray" Daing ko. "Bakit ka humint-" Naputol yung sasabihin ko nang napatingin ako sa taong nasa harapan namin ngayon.





Nagkatinginan si Mo--I mean si Bellatrix at Luna sa isa't isa. Pansin kong parang may namumuong tension sa dalawa.




Napatingin sa gawi ko si Bellatrix. "Oh" Gulat na sambit nito. Tumingin siyang muli dito sa kasama ko at binigyan niya ito ng isang smirk. "You're finally making your moves huh?" Nang-iinsulto nitong saad sa kaibigan niya.





Kalmado lang na tumingin pabalik sa kanya si Luna. "Yeah. And I hope, you won't do the same." Balik na turan naman ni Luna sa kaibigan.





Nakita kong napakuyom ng kamao si Bellatrix pero kalmadong-kalmado pa din ang makikita sa mukha niya. "Well, I don't want to step so damn low, or even lower my standards. I don't like cheap things." Pang-iinsulto nitong muli sa kaibigan pero parang ako na yung pinapatamaan niya sa salitang cheap.





360° (gxg)Where stories live. Discover now