Part 24

2.4K 110 0
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV

Nandito ako ngayon sa puntod ng mama ko at nakakabata kong kapated. Kakatapos lang silang ilibing.

Dalawang araw lang ang naging pagluluksa dahil parihong di namin kaya ni papa ang sakit na makita ang mga katawan ng mga mahal namin sa buhay na di na humihinga pa. Kaya napagpaspasyahan namin na ngayong ikatlong araw ay ilibing na ang mga ito.


Nilapitan ako nila Alister at Ysabelle. Hinawakan ni Alister ang aking kaliwang balikat. "Ren, halikana. Umuwi na tayo. Nangingitim na ang mga ulap oh, at nagbabadya na itong umulan. Kaya halikana at umalis na tayo" Sabi nito. Umuwi na rin kasi ang ama ko pagkatapos ng naganap na libing. Nagpaalam rin naman ito sa akin na mauuna nang umuwi.

Wala akong naging imik sa pahayag ni Alister. Simula pa nong pagkalabas ng bangkay ng mama at bunso ko sa hospital ay hindi na ako umimik pa. Hindi rin nila ako nakitang umiyak. Para akong namanhid sa nangyari.

"Ren, ano ba. Umuwi na tayo oh. Magpahinga kana rin. Tingnan mo yang katawan mo. Napapabayaan mo na. Nangangayayat ka eh." Muling sabi ni Alister.

Hahaha. Oo nga pala. Hindi pa ako nakakain. Nakalimutan kong kumain nitong araw. Wala akong gana.

"Ren, halika-"

"Iwan niyo ko." Pagputol ko sa sasabihin nito. Ngayon lang uli ako nakapagsalita ah.

"Di ka namin pweding iwan Ren, ano ba. Halika na kas-"

Hinarap ko ito at tinulak. Napalakas yata ang naging pagtulak ko dahil napatumba ito sa lupa. Agad rin naman siyang tinulungan itayo ni Ysabelle.  "Sabing iwan niyo na ko eh! Umuwi na kayo kong gusto niyo" pahayag ko bago ulit tumalikod sa kanila at umupo sa tapat ng himlayan ng ina at kapatid ko.

"Re-"

Magsasalita pa sana si Alister ng pinutol ni Ysabelle ang sasabihin nito. "Al, una nalang tayo. Hayaan nalang muna natin si Ren na mapag-isa." Sabi nito kay Alister. "Ren" pagtawag nito sa akin. "Una na kami sa iyo. Sumunod ka pagkamayamaya ha?" Tanong nito pero hindi ako kumibo. Narinig ko ang pagpakawala nito ng malalim na bugtong hininga. "Al, tara na." Rinig kong sabi ni Ysabelle.

"Ok." Sagot nito kay Ysabelle. "Ren... una na kami." Paalam nito sa akin. Tulad ng kay Ysabelle kanina, wala rin akong naging sagot rito. Bumugtong hininga rin ito. "Ysa, tara na" huling pahayag nito bago ko narinig ang papaalis na yabag ng dalawang tao.

Nang ako nalang ang isang taong naiwan dito sa puntod ng ina at kapated ko na namayapa na ay namalayan ko nalang na tumulo na ang mga luha ko. Napahagulgol ako sa sakit.

"B-bakit niyo na naman a-ako iniwan, m-ma... b-bunso... ba-bakit?" Umiiyak kong pahayag.

Bigla namang umulan.

Ganon ba kalaki ang kasalanan ko at pati sa ibang mundo, kinuha parin sa akin ang buhay ng mga mahal ko?

Ganon nalang ba kagalit sa akin ang mundo?



Tumingala ako sa kalangitan.



Tinatama ko naman na ang mga pagkakamali ko ah

Nagbago na naman na ako

Inayos ko naman na ang mga kasalanang nagawa ko.


Ipinikit ko ang mata ko ng mariin. Napahalakhak ako habang yung luha ko ay patuloy parin ang pagdaloy sa pisngi ko.



Pero tang*na!

"Kulang pa ba ha? Kulang pa ba!" Galit kong pahayag sa kalangitan. Bigla rin namang kumidlat ng malakas. Parang galit rin na sagot sa akin ng kalangitan.


360° (gxg)Where stories live. Discover now