Part 44

2K 101 32
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV







Pagod na pagod na yung katawan ko ngayong araw. Napagpasyahan naming bukas na ipagpatuloy yung paghahanap ng kasagutan sa sitwasyon ko.





Pasakay na sana akong bisikleta ko nang tinawag ako ni Angel.




"Raine! Wait up." Sigaw niya.




Lumingon ako sa kanya. "Hey" Bati ko sa kanya pagkarating niya sa harapan ko. Hinihingal pa siya dahil sa ginawang pagtakbo palapit sa akin.




"Hey" sagot niya pabalik.





"So..." Basag ko sa katahimikan. Natahimik lang kasi siya habang nakatingin sa akin.



"A-Ah yeah. Uhm Raine." Panimula niya. Malungkot na tumingin siya sa aking mga mata. "I'm sorry." Hinging paumanhin niya.




Kumunot yung noo ko. "Huh? Bakit ka humihingi ng tawad?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.



"I'm sorry for what happened yesterday. And I'm sorry because as your bestfriend, I should be able to help you but I don't know how. Bestfriend mo ako pero wala akong magawa para tulungan ka sa sitwasyon mo ngayon. Wala akong magawa para maibsan yang bigat na dinadala mo ngayon. Wala akong m-magawa." Tuluyan na siyang naiyak. Hinawakan niya yung pisngi ko. "Whatever happen Raine, always choose whom your heart beats." Hiling niya sa akin. Naguluhan man ako sa sinabi niya ay tumango nalang ako bilang sagot. Napangiti naman siya sa naging tugon ko. "Thank you." Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa pisngi ko. Pinunasan niya yung mga luha niya sa pisngi niya. "Cge na. Alis na ako. Bye Raine." Paalam niya sa akin bago tumalikod at tuluyan na siyang umalis.



Di ako nakapagpaalam pabalik sa kanya at nakatingin lang sa pigura niyang paalis. Nung di ko na siya matanaw sa aking mga mata ay sumakay na akong bisikleta ko at nagpadyak na paalis.







Pagkarating kong bahay ay walang tao. May naiwan namang ulam at sulat sa mesa. Nakasaad sa sulat na mauna na daw akong kumain dahil late na daw makakauwi si dad.



Sumunod naman ako sa naging bilin ni dad at nauna na ngang kumain at nang makapagpahinga na din ako kasi ramdam ko na talaga ang pagod ng katawan ko.



Pagkatapos kong kumain at hugasan yung pinagkainan ko ay pumasok na akong kwarto ko.




Nagpalit muna ako nang damit. Kinuha ko yung bag ko at naupo sa aking kama. Inilabas ko yung aklat mula sa bag. Magbabasa sana ako pero nakaramdam ako nang pananakit sa aking ulo at katawan. Bumangon muna ako para patayin yung ilaw pagkatapos ay inilagay ko sa katabing mesa nitong kama ang aklat. Agad akong nahiga sa kama dahil hilong-hilo na talaga ako at agad din naman akong dinapuan ng antok. Pero bago tuluyang pumikit yung talukap ng mata ko ay napansin kong umilaw yung aklat. Gusto kong piliting ibuka yung mata ko pero kinain na talaga ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.












Nagising ako kinabukasan dahil sa silaw ng araw na nanggaling sa nakabukas na kurtina ng bintana.




"Ok, who let the curtain open?" I asked myself...


Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at naupo sa kama. Kinusot-kusot ko yung mata ko. I then roamed my eyes around the room. "Weird" Nasambit ko nalang sa sarili ko.



Randam ko ang pananakit ng katawan ko at kapaguran. Para akong galing sa isang mahabang paglalakbay. The same feeling I felt nung first time kung napunta sa mundong ito.



360° (gxg)Where stories live. Discover now