Part 46

2K 107 20
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV




"Charot lang Raine." Natatawa nitong biro sa akin. "Huwag kang mag-alala. Malapit ka naman na makabalik. Unting  tiis nalang at voilà, magigising ka nalang na nasa mundo mo na pala ikaw." Sabi niya. "But for now, magsuffer ka na muna." Natatawa uli niyang sabi sa akin.




"Art I said-"




"Oh shut it Moon." Putol ni Artemis kay Luna. "Don't make me the bad guy here." Banta niya sa kaibigan. "At huwag ka ding makialam. You don't know the full story so huwag mo akong husgahan at pangunahan." Natamimi si Luna sa sinabi niya. Tumingin siyang muli sa akin. Binigyan  niya ako ng isang malungkot na ngiti. "I'm sorry Raine, pero di pa talaga pwede. May dapat ka pa kasi talagang gawin." Apologetic niyang sabi sa akin.



"At ano naman yu-" Magtatanong pa sana ako sa kanya ng nanghina ang katawan ko bigla. Buti nalang at nasalo ako ni Luna bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig.



Natataranta naman si Luna sa nangyari sa akin. "What's happening Art?" Rinig kong tanong nito sa kaibigan.



Ramdam kong bumibigat na yung talukap ng mata ko. Para akong kinakain ng kadiliman at di ko kayang pigilan yung antok na nararamdaman ko. Bumibigay na din nang tuluyan yung katawan ko. Para akong galing sa isang mahabang paglalakbay at pagod na pagod.




"Don't worry Moon. She just need to take a rest. Napagod lang talaga niya ng sobra yung katawan ni Ren." Pag-aasure ni Artemis sa kaibigan.



Tuluyan nang pumikit yung mata ko pero medyo naririnig ko parin ang ingay sa paligid ko at ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan.




Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa ang bilin sa akin ni Art. "Just choose Raine."





And then, I past out...





























































Unti-unti kong inimulat yung mata ko. Napakurap-kurap ako. Nasisilawan ako sa ilaw na tumatapat sa mukha ko.



"Ouch" Daing ko. Napahawak ako sa ulo ko. "Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko pa.



Bumangon ako para umupo sa kama. Sumandig ako sa headboard. Napatingin ako sa kamay ko. May nakainject na dextrous sa lefthand ko. Lumingon-lingon ako sa paligid at iginala ang paningin ko sa loob ng kwarto.



Puti yung kulay ng pintura ng mga dingding. May isang flat screen tv din na nakasabit sa isang sulok. May sliding window din sa gilid ko sa right side at nakabukas yung kurtena kaya kita ko ang maaliwalas na panahon sa labas. So...



Nasa ospital pala ako.




Napatingin ako sa may pintuan dahil bumukas ito. Pumasok ang isang mid 40 na babae at may dala itong isang basket ng prutas.




Nang mapansin nitong gising na ako ay agad itong lumapit sa akin. "Kamusta naman na ang nararamdaman mo anak." Nag-aalalang tanong nito sa akin.




"Tubig"  Yun lang naisagot ko sa kanya. Di ko man lang namalayan na nauuhaw na pala ako kanina pa. Nanunuyo yung lalamunan ko.




Dali-dali nama siyang nagsalin ng tubig sa baso si at inabot ito sa akin. Tinulungan niya akong painumin ng tubig.



Pagkatapos kong uminom ng tubig ay inaayos ko muna ang sarili ko sa pagkakaupo. Tumingin ako kay mom at nagtanong. "Ilang oras ako nakatulog ma?"




360° (gxg)Where stories live. Discover now