Part 39

2K 99 26
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV






"Umm... Y-Yung sinabi mo pala kahapon. Yung a-ano..." Alanganin kong tanong kay Angel.




Its already 8 am at nandito kaming dalawa ngayon sa loob ng kotse nilang minamaniho ko papuntang University. Di ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip dun sa huli nyang naging pahayag nung gabi sa akin bago siya pumasok ng kotse nila.




May alam ba siya sa sitwasyon ko ngayon?




"Yung alin Ren?" Nagtataka niyang tanong sa akin.





"W-Wala. Kalimutan mo nalang yung tanong ko." Yun nalang sinagot ko at pilit siyang nginitian bago muling nagpukos sa pagmamaniho ng sasakyan.





"Okay..." Rinig kong sambit niya.




Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Mga katanungang gusto kong ipaalam sa kanya. Gusto kong malaman kung alam ba niya yung sitwasyon ko ngayon at kung napatawad na ba niya ako sa mga kasalanan ko sa kanya noon. Gusto kong magsumbong sa kanya. Sana alam niyang hindi ako si Ren kundi ako si Raine, ang bestfriend niyang nanakit at pinagtaksilan siya. Sana...





"Nandito na tayo." Anunsiyo ko pagkatapos ipark yung sasakyan.






Bumaba na ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.




"Thank you." Hinging pasalamat niya sa akin at nakangiting tumango naman ako sa kanya.




"Punta mo na tayong cafeteria. Kumain na muna tayo ng agahan. Okay lang ba sayo?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko na rin yung mga gamit niya at ako na ang nagdala. Aagawin sana niya ito sa akin pero natatawang itinaas ko ito. Napasimangot naman siya kasi di niya maabot. Payatot kasi ahahaha. "Tara na." Nakangiti kong aya sa kanya. Nabugtong hiniga muna siya at hinayaan nalang akong dalhin yung mga gamit niya bago tumango sa akin.





Nagsisimula na kaming maglakad papuntang cafeteria nang may pamilyar na bosses ang tumawag sa akin.





"Yow Ren!" Sigaw ni Alister habang kumakaway sa direksiyon ko. Tumatakbo ito palapit sa amin. "S-Sabay na tayo." Sabi nito sa akin habang naghahabol pa ng hininga. Hiningal ang unggoy "Oii! Sino yang magandang babae na katabi mo? Kacharchar mo?" Biro nito sa akin nung mapansin nito si Angel sa tabi ko.





Binatukan ko siya sa ulo. "Gago ka talaga. Anak to ng boss ni papa. She's Ms. Angelique." Pakilala ko kay Angel.





"Angel nalang" Sabi ni Angel kay Al at nag-abot siya ng kamay kay kumag.





"Alister" Pakilala naman ni kumag sa sarili at inabot yung kamay ni Angel. At pagkatapos nilang magshake hands silang dalawa ay humarap sa akin si Al at nagtanong. "Cafeteria ba punta niyong dalawa?"  Tumango ako sa kanya. "Sabay na tayong tatlo. Nandoon na daw si Ysabelle at naghihintay sa atin." Tinanguan naming dalawa ni Angel si Alister. Sabay sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob ng campus papuntang cafeteria.





Pagkarating naming cafeteria ay nakita agad namin si Ysabelle na nakaupo sa pwestong lagi naming tinatambayan. Naunang naglakad papuntang table si Al at nakasunod naman kaming dalawa ni Angel sa kanya. Di pa din kasi ako nakahingi ng tawad kay Ysabelle matapos yung nangyaring sagutan sa aming dalawa. Sana naman, magkaayos na kami.





"Good morning pangit." Bungad agad na sabi ni Al kay Ysabelle.





"Gutom ka na nga talaga. Binabati mo na sarili mo eh. Ikaw lang kaya ang pangit dito."  Bara ni Ysa kay Alister. Tumingin naman siya sa pwesto ko pagkatapos. "Good morning Ren." Bati niya sa akin at nginitian ako. Napangiti din ako sa kanya at binati siya pabalik. Yes! Bati na kami. Nagtatanong na tumingin sa aming dalawa si Ysabelle nung mapansin niya yung isa naming kasama.





360° (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon