Part 36

2.1K 106 2
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV





"Kamusta ka na Raine?" Tanong sakin ni Ysa.

Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria at tumatambay.


"Ok lang." Sagot ko naman habang kumakagat sa pagkaing binili ko.



"May pagbabago bang nangyari bro? Ay sister pala." Napailing naman ako sa sinabi ni Al. Gago talaga to. Tumikhim ito bago muling nagsalita. "Ren-Raine... May improvement ba sa sitwasyon mo? Like, may nagbago ba dun sa numero?"


Napabugtong hininga naman ako. "Wala pa nga eh..." malungkot kong sabi sa kanila.


"So anong plano mo Raine?" Tanong sakin ni Ysa.

"Ewan" sagot ko sa kanya. Wala talaga akong alam na paraan eh. Oo at alam ko na kung bakit umiikot yung angulong nakapaloob sa aklat. Pero ang tanong ay kung paano. Paano ko ba iyon mapapaikot...


"Wala kang plano Raine?" Gulat na tanong sa akin ni Ysa. Nagkibit balikat lang ako dito. Para naman siyang biglang naiinis sa akin. "So wala ka ngang plano. Walang kang planong bumalik sa totoong mundo mo. Ganon ba yun Ren ha?!"


Napantig bigla yung tinga ko sa narinig mula sa kanya. "Anong sinabi mo? Wala  na akong balak umuwi sa mundo ko?" Matalim ko siyang tiningnan sa mata. "Kung may paraang alam lang ako, edi sana! Sana ay ginawa ko na iyon dati pa!" Di ko na mapigilan ang mainis sa kanya at masigawan ito. Napakasensitive naman kasi niya.



Eh sa wala nga akong kaide-ideya kung bakit ito nangyayari sa akin. Huta naman kasi! Wala naman akong ginagawang masama. Bakit ako pinaparusahan ng ganito. Pinagsisihan ko naman na yung kasalanan ko noon ah. Ginawa ko na rin ang lahat para maitama mga pagkakamali ko nung bata pa ko. Pero t*ngina talaga! Galit na galit pa rin sa akin tung pisting karma nato!


"H-Hey guys... Kalma lang kayo. Pinagtitinginan na tayo ng ibang estudiyante dito oh. Hey kalma lang." Pumagitna na si Al sa tensyong namamagitan sa aming dalawa ngayon ni Ysabelle.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at huminga ng malalim. Kinakalma ko ang sarili ko. Ayaw na ayaw kong magsalita kapag mainit yung ulo ko kaya naman ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag walkout nalang sa kanila.

Rinig ko namang tinawag ni Alister yung pangalan ko. "Hoy Raine, san ka pupunta?" Tanong niya pero di na ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad paalis dun sa pwesto ko kanina.


Ayaw na ayaw ko kasi talagang makipag-usap sa tao kapag galit ako. Hindi ko kasi mafilter yung mga salitang lumalabas sa bibig ko. Kaya kung maaari, ay ginagawa ko ang lahat para makontrol ang sarili na huwag magbigkas ng masasakit na salita. Kaya everytime na may makasagutan ako, pinipili ko nalang na magwalkout at pakalmahin muna ang aking sarili. Ayaw kong makasumbat ng mga salita sa ibang tao na alam kong pagsisihan ko rin sa hinaharap. Words hurt more than physical pain does.

Lumabas akong cafeteria at napagpasyahang maglakad lakad nalang muna. Nandito ako ngayon sa gilid ng soccer field at naglalakad mag-isa. Pinapakalma ko ang sarili ko.



Yung mga dating teammates ko ay naglalaro ngayon sa field. Kumaway pa nga yung iba pagkakita nila sa akin. Kumaway nalang ako pabalik at pilit na ngumiti. Ayaw ko naman kasing maging bastos sa kanila kahit na mainit ngayon ang ulo ko.

Hindi pa ako bumabalik sa team. Wala pa ako sa condition at ayaw kong maging sagabal sa team, kaya naman ay napagpasyahan ko na munang mag quit. Naintindihan naman ni coach ang pasya kong to, pero di parin naman niya maiwasang madisappoint sa naging desisyon ko. Babalik nalang siguro ako pagready nako pero sana pagdating nung time na iyon, nasa totoong mundo ko na ako.


Nung nakaramdam nako ng pananakit ng mga binti ko kakalakad, napagpasyahan kong maupo sa damuhang may malaking punong masisilungan.

Mga ilang minutong pagtambay ko lang ay naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. May text pala akong natanggap mula sa tatlong tao. Galing kay Alister, kay Moch ko and lastly, from an unknown number.


Una kong binuksan yung text ni Alister.

*Asan ka?* -Al.

*Nagpapahangin lang. Bakit?* -sent.

*Uuwi na tayo.* -Al.

*Mauna nalang muna kayo. Pupuntahan ko pa si Bella.* -sent.

*Ok.* -Al.
*Ayusin niyo tung hindi niyo pagkakaintindihan dalawa ni Ysa, Ren. Nag-aalala lang siya sayo. Ikaw nalang una sumuyo sakanya. Nagtatampo eh. Intindihin mo nalang. Mahal ka lang talaga nitong kaibigan natin.* -Al.

*Sige bukas. Aayusin ko to. Ingat kayong dalawa.* -sent.

*Ikaw din* -Al.





Sunod ko namang binasa yung text ni Bellatrix sa akin.

*Tapos na klase namin.* -Moch.

*Sige. Antayin mo ko diyan. Papunta na ako♡♡♡* -sent.

*Ang korni mo.* -Moch.
*Sige hintayin kita dito sa room namin.* -Moch.

*Ok♡* -sent.


Tumayo na ako at pinagpag ang alikabok  sa bandang pwetan ng pants ko. Nagsimula narin akong maglakad paalis sa pwesto kong yun. At papunta na ako ngayon sa direksyon ng room nila Moch.



Habang naglalakad ako ay binuksan ko na ang pangatlong text message mula sa unknown number.


Sino naman kaya to? Baka wrong send lang siguro.



Kinabahan naman ako bigla nang mabasa ko ang dalawang nakasulat na message sa text.




*You once wish for this kind of life. Yet, your regretting it.* -unknown.
*Stop resisting. Live it!* -unknown.











360° (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon