Part 30

2.4K 106 1
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV


"So you found this book in the library the other day. Tapos yung pinto na pinagkuhanan mo nito ay nawala nalang bigla? Na bigla nalang naglaho? Tama ba?" Tanong sakin ni Ysabelle. Nandito kami ngayon sa kwarto ko pagkatapos nung naganap na dramahan namin sa school. Tapos naman na yung mga class schedules naming tatlo kaya okay lang na dumiritso na kami dito sa kwarto ko.


"Hmm yeah. Akala ko nga nananaginip lang ako nun o di kaya ay di iyon totoo. But look at that book." Tinuro ko yung aklat. "Tunay na tunay eh." Tumango tango naman yung dalawa. Ibinuklat ni Ysabelle yung aklat at sinusuri ang laman nito. Nasa tapat naman niya akong nakaupo at katabing nakaupo rin si Alister.


"Di kaba namamaligno lang bro? Nagpaalbularyo ka na ba? Baka kinulam ka lang" huwisyon naman ni Alister.

Umiling naman ako. "Di naman siguro. Sure naman na kasi akong di talaga ako taga dito sa mundong ito or timeline. Para ba yung sa parallel world. Ganon na ganon yung pagkakaintindi ko dito bro. Na yung katawan na kung nasaan ako ngayon ay katawan ko rin but it is the other version of me."

Tumango tango naman ito. "Sabagay"

"Raine" tawag pansin sakin ni Ysabelle. "Nabasa mo na ba lahat ng ito?" Umiling naman ako. "Bakit?"

"Blank space pa kasi yung iba. Nagkakalaman o may mga sulat lang ito if may mangyayari o nangyari na." Sagot ko naman dito.

"360°? Ano yun? Parang sa angle ba yan? Mathematics ganern?" Tanong naman din ni Alister. Natatawang tumango naman ako dun sa naging tanong niya.

"And ang latest angle na nakasulat dito ay 270°." Sabat naman ni Ysabelle at binasa ang nakasulat doon. "The peck of the story whereas, the angle is pointing out either the person will remain regretting things forever, or move on and forgive itself..."


"Dude... Para kang nasa mission. Para bang kailangan mong kompletuhin ang one whole revolution which is 360°." Ani ni Alister.


"Yup. That's what I concluded too Raine. Para bang ang paraan upang makauwi o makabalik ka totoong mundo mo is completing the whole revolution." Pagsang-ayon naman ni Ysabelle. Napaisip naman ako. Baka nga yun talaga ang tanging paraan. Bakit ba di ko yun naisip noon? Hayss... "But the question is, paano?" Tanong ni Ysabelle.


"Paano?" Naguguluhang tanong naming dalawa ni Alister pabalik kay Ysabelle.

"I mean... paano natin mapapaikot or mapapaandar ito hanggang makaabot ng 360°. What triggers this thing to move forward and completes its revolution." Paliwanag naman ni Ysabelle saming dalawa.

Napaisip ako. Ano nga ba? "Wala akong ideya eh." Napabuga naman ako ng hangin.

"Isipin mo bro. Everytime  na nagkakalaman ang aklat o umiikot ang angulong nakapaloob dito, ano ba yung mga bagay na nangyayri sayo." Tanong sakin ni Alister.

Napabalik tanaw naman ako. Ano nga ba? Ang mga nangyayari sakin ay yung mga bagay na nangyari na naman na sakin noon ah. Yung mga pangyayaring na nangyari na sa mundo ko at nangyari ulit sa mundong kinagalawan ko ngayon. Yun ang mga pangyayaring lubos kong......

Namilog naman ang mata ko nang may narealise ako. "Alam ko na guys, pero di ako sigurado." Bumugtong hininga muna ako. "Ang mga bagay na nangyayari ngayon sa akin ay nangyari narin sa totong mundong kinagalawan ko. At ang mga pangyayari ito ay..." napalunok ako bigla. "Ito ay ang mga pangyayaring lubos kong pinagsisihan. Ito yung mga pangyayaring until now, hindi parin ako nakamove on. I'm still beating myself regretting my past decisions." Bigla akong napaiyak.

Inakbayan naman ako ni Alister. "It's okay to regret things Raine. What's not okay is when you beat yourself with it. We could do nothing to change the past. All we could do is to move forward." Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako. "When we hit the rock bottom, the only way is to go up. Bangon lang Raine."

Tumigil nako sa pag-iyak at pinahid ko yung mga luha kong tumutulo. Tama na kakaiyak Raine. Madedehydrate tayo niyan jusko.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at ngumiti. Ngumiti rin sila sakin pabalik. "So ano ng gagawin mo Raine?" Tanong sakin ni Ysabelle na nakangiti.

"Ano pa nga ba? Isa lang naman dapat ang dapat kung gawin. At iyon ay ang magpatuloy." Lakas loob kong pahayag.





Tama na kakamukmok self. When we keep beating ourself regretting things, di tayo uusad. Kung nagkamali man tayo noon, bumawi nalang tayo sa ngayon.



















Use your past mistakes, as your present's lesson, and your future's guidance.

-300°














360° (gxg)Where stories live. Discover now