Part 33

2.2K 116 32
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV




"So san tayo?" Tanong ko sa kanya.


Tinaasan niya ko ng kilay. "Why are you asking me? Let me remind you, you're the one who asked me for this date. And I can still clearly remember the same exact words you uttered to me. You have a 'surprise na talagang magugustuhan mo'. So ba't ka ngayon nagtatanong sa akin kung saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.


Naluko na. Paano ba to? Eh sa wala naman talaga akong surprise. Nasabi ko lang naman yun para makapogi points ako sa kanya. Nalintikan na. Raine, lusutan mo to.


"H-huh? T-tama nga. May surprise ako sayo ha-ha." Kinakabahan kong sagot. "Ayeii yung Moch ko excited." Dinaan ko nalang sa pang-aasar para malusotan ko yung katangahan ko. Inikutan niya lang ako ng mata. Ang maldita talaga nito.


"Excuse me, I'm not your Moch anymore. We broke up remember? Ow wait, your the one who actually broke up with me."



Napangiwi naman ako sa naging pahayag niya. "Sabi ko nga wala ng tayo at ito'y kasalanan ko." Pag-aako ko sa maling nagawa ko. "P-pero pwede pa namang bumawi di ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Please say yes.



Di siya sumagot sa akin at sa halip ay nagsimula na itong maglakad at nilampasan ako. Sinundan ko siya at naiiyak na nagtanong habang nakasunod sa kanya. "S-san ka punta? Iiwan m-mo ko? G-galit ka pa ba?" Hinawakan ko na siya sa braso upang mapatigil ko siya sa pag-alis. Iniharap ko siya sa akin. "D-di mo parin ako bati?" Parang bata kong tanong sa kanya. Naiiyak na talaga ako. Naman oh... Ayaw na sakin ng Moch ko!!!



Pinipigilan naman nito ang matawa. "Umayos ka nga. Para kang bata." Saway nito sa akin habang umiling-iling. "Kala ko ba pupunta tayo kung san ko gusto." Tanong nito.




"H-huh? Ay oo naman." Tanga kong sagot.



"Paano kung sa puso mo ang gusto kong marating?"




"H-huh?" Nabilaukan naman ako sa naging tanong niya.




"Joke lang. To naman. Hali ka na nga lang" pambabaliwalang sabi nito sa akin.



"Halikan!?!" Gulat kong sambit sa kanya. Natawa naman siya sa akin.




"What I mean is, let's go." Natatawa nitong paliwanag sa akin na ikinapula naman ng mukha ko. Hinawakan nito ang kamay ko bago siya nagsimulang lumakad na.



Napatingin naman ako sa kamay naming magkaholding hands. Napangiti nalang ako. Ang creepy ko.


Habang naglalakad kami ay napatanong ito sa akin. "Is it ok if pupunta muna tayong bilihan ng mga products bago maggagala? May kailanan pa kasi akong bilhin."




Tumango naman ako sa kanya. "Yeah, no problem." Para namang nagulat pa siya sa naging sagot ko pero biniwala ko nalang iyon.






Nang makarating na kaming dalawa doon ay agad narin kaming pumasok sa loob.



"Ayaw mong mag-antay nalang sa labas?" Nagtatakang tanong nito sa akin.



Kumunot naman ang noo ko. "Bakit naman?" Naguguluhan kong tanong pabalik sa kanya. Bakit naman ayaw nito ako pasamahin?




"You know... Baka mailang ka?" Patanong na sagot nito sa akin.



Pansin ko ngang maraming nakatambay na mga lalaki dito sa labas nitong bilihan ng mga pampagandang produkto. Mga shota siguro ng mga babaeng bumibili ngayon dito sa loob.




Ah right. I'm in a man's body at papasok kaming bilihan ng beauty products mostly for girls. At baka mapagkakamalan akong bakla ng mga tao dahil dito? Well, I don't care. Isipin nila gusto nilang isipin.



Nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Nuh. Don't worry about me. Sama ako sayo. Tutulungan kitang pumili ng magandang lipstick." Kindat ko sa kanya. Natawa naman siya sa akin.





Habang pumipili ng mga beauty products si Bellatrix at ako naman ay panay alalay at suggest sa kanya ng mga magagandang brand, ay panay naman ang nakaw tingin sa akin ng mga babeng bumili dito sa loob. Pati narin tung sales lady na nasa harapan namin.



Problema nila? Porket ba lalaki, bawal na pumasok dito? Bawal na rin ba bumili ng mga beauty products ang mga lalaki ngayon? Bawal na mag skin care ganurn? Ang oa naman masiyado ng mga tao.



Di ko nalang binigyan pansin ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin. Kumuha ako ng isang lipstick at inabot ito kay Moch ko. "Ito itry mo. Magandang uri yan. Maganda din ang shade. Babagay yan sayo." Suggest ko sa kanya.


Tumingin naman sa akin yung sales lady. "Maalam po kayo sa ganito sir? Gumagamit rin po ba kayo nito?" Tanong nito sa akin. Sarap saguti ng Oo, dahil babae rin ako. Pero wag nalang, baka pagkamalan pa akong baliw.



"No. I'm not using one of that. Sadyang may alam lang talaga ako. Nabasa ko lang somewhere." Sagot ko nalang sa kanya.



"Ay, akala ko po bakla kayo sir." Pinipigilan ko naman ang sarili kong ikutan ito ng mata dahil sa naging pahayag nito.



Bakla agad? Napaka judgemental naman masiyado nitong sales lady nato. Di ba pweding may alam lang? And it's a shame,  how humans use double standard on things like this. Ano namang masama kung gumagamit rin ng lipstick ang mga lalaki? People are free to do or wear whatever that makes them happy with and have no concern to what other people may think. I myself, wear makeup for myself and not for someone else.




"Pasiyensiya na po sir." Hinging paumanhin nito sa akin.



"No, it's ok." Ngiting sagot ko naman dito.



"Miss, kukunin ko na ito." Singit naman ni Bellatrix sa usapan namin.


"Ay sige po ma'am" sagot naman nung sales lady. Pumunta na kaming counter dala yung mga beauty products na napili ni Bellatrix. "5,583.75 po lahat ma'am." Ani nung sales lady tapos nag-abot naman ng anim na libo si Moch sa kanya. Mapapa sana ol kanalang talaga. "Here you go ma'am." Abot ng nito kay Moch at nagpasalamat naman si Moch dito pagkaabot niya.




Tumingin naman sa akin ang Moch ko. "Let's go?" Tumango naman ako at aktong kukunin ko sa kanya yung pinamili namin para ako na magdala, pero sa halip na ibigay niya ito sa akin ay mas inilayo niya ito. Nagtatanong naman na napatingin ako sa kanya. "You are not obliged to do that. Di porket lalaki ka, dapat ikaw na taga bitbit. Ako bumili, it's my responsibility. And one more thing, it's not even that heavy. I can carry it myself, but thank you. Thank you for the offer though." Sabi nito sa akin.




Napangiti naman ako sa kanya. "No problem." At tuluyan na kaming lumabas dun.





It's awesome to know that there are still certain peoples who doesn't care about stereotypes.


Everybody is (and should also feel) free to do whatever makes them happy as long as it does not hurt others! Whether it may differ from the accustomed tradition.
















It's your life, not theirs. Live it!








































360° (gxg)Where stories live. Discover now