Part 20

2.7K 116 0
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV




"Hi Ren"

"Good morning Ren"

"Hi"

"Hey"


"Ang gwapo mo  papa Ren"

Rinig kong bati at tili nung iba sa akin ng mga studyante dito sa campus.





"Sikat ka na talaga Ren ah." tumatawang sabi sa akin ng kaibigan kong si Mac Alister. "Ang bilis talaga ng panahon. Kitams mo, parang hangin kalang nung mga nakaraang araw. Tapos ngayon, abay anong sekreto mo kumpare ko? Pano ka gumwapo at naging instant sikat? Tsk, tsk, tsk... dapat pala talaga nagpa t-shirt ako at nang maibinta ko ito sa mga fans mo, ng mapakinabangan ko naman yang kasikatan mo. Pera narin yun no." Dagdag pang sabi nito at kunwari pang hinahaplos-haplos ang mala imaginary nitong balbas. Loko talaga to. Inikutan naman siya ng mata ni Ysabelle.




Pero tama rin naman siya. Naging instant sikat ako. Well, medyo tumutunog naman na rin yung pangalan ko nang naging girlfriend ko si Bellatrix. Pero mas nadagdagan pa ito. Naging successful kasi yung exam namin. Which, all of my fellow classmates and I passed the examination test. And aside from that, I perfectly got perfect scores on all of my subject's test papers. Then recently, naging varsity player pa ako ng soccer. Nagtry out kasi ako pagkatapos nung ginanap na examination and well, magaling ako so, pasok agad. Marami ang bumilib sa pinakita kong performance nung try-out. And now, gusto kong tumakbo bilang student's affair. Why?

Ito lang kasi ang naisip kong solution sa problema ko at paraan para makabalik na ako sa totoong mundo ko. Naalala ko pa yung isang quote na nabasa ko sa mistoryosong aklat na nakita ko dito sa library.

"Open your eyes, look within. Are you satisfied with the life you're living?"

Basi kasi sa pagkakaintindi ko, kailangan kong maging ako. Yung ako sa totoong mundo ko. Ang kaibahan nga lang, lalaki ako sa mundong ito. Kailangan kong maging perfect sa paningin ng iba. Yun naman ako right? People knew me for being the perfect human being and ang mga tao namang perpekto, walang pinagsisisihan sa life diba? No regrets and are complete at satisfied naman ako sa life ko dun sa totoo kong mundo right? So maybe, dapat gawin ko rin yung ginagawa ko dun sa totoong mundo ko. Ang maging perpekto sa mata ng mga tao. Maybe yun ang susi para makabalik na ako.

Sana nga...




"Tara na nga, hatid na natin si Ysa sa room niya nang makapasok narin tayo sa sarili nating silid." sabi ko nalang sa pabiro niyang komento.


"Oo na. Pero pag-iisipan ko parin yung idea kong pa t-shirt. Malay mo diba, lumago tung business kong to." Tumataas-taas pang kilay na hirit pa niya. "Aray-" at ayun nanga, binatukan na siya ni Ysa.


Napailing nalang talaga ako sa kanilang dalawa. Pati kasi dito, ang kulit. Bagay talaga silang dalawa. Hahaha...

At hinatid na namin si Ysa sa room niya. Nagkukulitan pa yung dalawa habang naglalakad kami. Lumakad narin kaming dalawa ni Alister sa sarili naming silid pagkatapos pumasok ni Ysa sa loob ng room. Nakasanayan na namin to. Sa totoong mundo ko, pagmagkasama kaming tatlo, lagi kaming hinahatid ni Alister sa sarili naming silid. Close talaga kaming tatlo at para ng magkakapated ang turingan namin.















Natapos narin morning sched namin ni Alister. Thirty minutes nlang before mag twelve pm at twelve thirty pa ang labas ni Ysa sa room niya. So may isang oras pa kami ni Alister bago maglunch. Gusto kasi naming magkasabay-sabay na kaming tatlo. Kaya nandito kami ngayon sa soccer court nakaupo sa may bench at napapahangin.



Kinuha ko yung cellphone ko at nagtxt.

'Naglunch ka na?' Type ko before I send it to Bella. Absent kasi ito dahil umuwi yung tita niya from London kaya umabsent nlang para maka bonding ito ngayon. Tapos na rin namn yung exam this semester.


"Naks naman, ang sweet..." ay sumilip pala ang gago.



Di ko nalang siya pinansin at nagreply nlang nang agad rin akong nakatanggap ng reply.

'Not yet but papunta narin kami maya ng resto after namin dito mamili. Ikw?' Basa ko sa reply niya.

Simula kasi nung nakaraan naming labas, nagiging sweet na siya sa akin. Kaya di ko rin mapigilang maging sweet pabalik. Bakit ba? Eh pinanganak akong sweet na tao.


'Maya narin po. Hinihintay lang namin si Ysabelle na matapos ang klase niya. Wag kang magpapalipas ng gutom ha? Magagalit ako.' Balik kong reply kay Bella, tapos may pa galit pang emoji sa last ng txt ko.


"Ay maharot" komento naman ng gagong katabi ko.


Di ko parin siya pinansin at binasa nlang ang reply ulit ni Bella. 'Opo. Cge maya nlang kita i-txt dahil papunta narin kaming resto. Kain karin ng marami dyan ha? Magagalit rin po ako. I miss you. Muah' may kiss emoji pa sa last ng txt niya.


'I miss you too' siyempre ayaw kong patalo. Kaya naman, may kiss emoji rin ang last ng txt bago ko ito i-send.





"I can't na talaga. Ang haharot niyong dalawa." Parang blaklang ani ni Alister.





"Che! Inggit kalang. Bawas-bawasan mo kasi yang pagiging torpe mo at ng umamin kana kay Ysabelle nang dalawa na tayo ditong kinikilig at mabawasan yang pagiging bitter mo."



"Yak naman dude. Para kang babae kong kiligin. Kung di talaga kita kilala, iisipin kong bakla ka. Ang lambot mo ng kumilos nitong mga nakaraan. Aminin mo nga sa akin, bakla ka no? Pero may diyosa kang girlfriend kaya imposible. P-pero paano kung ginagamit mo lang si Bella para pagtakpan niyang pagiging bakla mo. Dude, huwag ganon. Wag kang manggamit. Tatanggapin ka rin naman namin ni Ysabelle maging sino kapaman." Hinawakan pa nito ang balikat ko.






"A-ahhaha" kinakabahan pa akong pilit na tumatawa. N-naman dude. Ako b-bakla? H-hahaha ang g-gwapo ko kaya. Talaga to o, mapagbiro. H-haha" kinakabahan kong saad at awkward na natatawa.






Tiningnan niya ako ng mapanuri. Para bang binabasa ako.

"Oy, t-tingnan mo oh" tumingin ako sa relo ko. "Malapit ng matapos klase nila Ysabelle. Puntahan na natin siya." At nauna akong tumayo.



"Ay oo nga. Tara na." Sagot rin niya at naglagad na kami papuntang room ni Ysabelle.




Naman oh. Nagdududa na sila. Ganon ba ako kalambot gumalaw at napapagkamalang bakla? Eh hindi naman talaga ako bakla ah. Babae ako na nasa katawang lalaki. Ay basta.








360° (gxg)Where stories live. Discover now