Prologue

471 39 14
                                    


**

Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko pero hindi maganda ang pakiramdam ko kaya agad akong tumungo sa opisina ni Sanchez.

Damn.

Ano na naman ‘tong pakiramdam na ‘to?

Nu’ng nasa tapat na ako ng pinto ay natigilan ako nang may bigla akong narinig na nagsalita.

Hindi ko hahayaang maging masaya kayo habang buhay‚ Leneyfia. I will make your life miserable like what your parents did to me.” nanggagalaiti ang boses nito kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong nasa panganib ngayon si Sanchez at alam ko kung sino ang nasa likod nito, kilala ko siya.

(;ŏ﹏ŏ)

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto para hindi niya ako marinig, nagulat ako nang makita kong may hawak siyang baril at nakatutok ito kay Sanchez.

Shit.

Dahan-dahan kong inihakbang ang paa ko papalapit sa kaniya para sana agawin ang baril na hawak niya.

Pero laking gulat ko nang bigla niyang ikasa ang baril at hindi nagdalawang isip na pinaputok ito.

SANCHEEEEEZZZ!!!

Agad akong lumapit kay Sanchez at niyakap siya para gawing panangga ang sarili ko nang sa ganoon ay sa akin tumama ang baril at hindi sa taong mahal ko.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko at simula no’n ay nanumbalik ang katahimikan. Ang tibok ng puso ko ay biglang bumilis nang bigla akong makaramdam ng panghihina. Ramdam kong pareho kaming nagulat ni Sanchez at parehong hindi maalis ang tingin sa isa’t isa‚ animo’y pareho naming pinapakiramdaman ang paligid at kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha naming dalawa.

Hanggang sa wala na akong nagawa nang biglang manghina ang mga tuhod ko at bigla niya na rin akong nabitawan kaya sabay kaming sumalampak sa sahig.

*
*
*

And it all went black...












Mesiyajo
J.J.A

Mr. Bitter meets Miss Sweet

Prologue

AN: This is not fully an edited version.
Expect errors‚ i’ll get back to this as soon as possible.

I'm hoping that you will enjoy reading this story.

Your support is highly appreciated.

Thank you.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now