MBMMS 27 [Pride]

54 15 1
                                    


Pride~

Leneyfia's Pov.

(;;;・_・)

Nanlumo ako ng marinig kong hindi si Dechaves ang nag dala saakin sa Clinic. Sabagay ano ba a-asahan ko, eh wala nga 'yun pake.

Nasasaktan ako.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka- move-on sa nangyare. Feel ko na u-ulit nanaman. Parang bumalik ulit 'yung sakit na naramdaman ko na dati. Hindi ko pa kayang makipag-usap kay Dechaves dahil una sa lahat alam niya na, syempre nakakahiya na. Pangalawa, siya 'yung dahilan kung bakit ko 'to nararamdaman ngayon, dahil sa mga salitang binitawan niya sa harap ko at sa harap ng mga kaklase ko. Nope! Hindi ako galit sakanya, sadyang kelangan ko lang talaga muna ang mapag-isa, gusto kong mag isip. Kagabi hanggang ngayon isa lang na sa isip ko.

' PA'NO MAWAWALA 'TONG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO?'

Nalampasan ko na 'to dati eh...

Hindi ako oa para maging ganito dahil lang kay Dechaves, pinaalala niya lang talaga saakin lahat.

Oo, ako pa nga nag sabi diba na dapat hindi tayo mag papa-apekto? Oo, matapang ako pero damn! May kahinaan din ako! Yun ay 'yung tanongin ako kung ano bang meron ako! At 'yung ipagkumpara ako sa isang taong alam kong sa una pa lang talo na ako.

Ano nga bang ipagmamalaki ko? Hindi ako maganda, Parents ko lang naman ang mayaman at hindi ako, Wala akong kaibigan, hindi ako marunong mag make-up, hindi ako marunong pumili ng bagay saaking damit at maingay ako.

I’m just human, I have weakness, I make mistakes and I experience sadness; But I learn from all these things to make me a better person. Yun lang.

' Ganito din kaya nararamdaman mo Dechaves kaya ganyan ka? Siguro kaya saakin 'to pinaparamdam ulit para mas lalo kitang maintindihan. '

Damn! Matutulungan pa ba kita, bumabalik nanaman ako sa dati eh. Hays.

" Lene? " Bumalik ako sa matinong pag iisip ng makita ko ang iba kong mga kaklase sa harap ko. Ano ginagawa nila dito? Nag di-discuss--- ay may inaayos pala si Prof di naman pala nag di-discuss.

" I'm sorry Lene for telling Brylle. Hindi ko naman kasi alam na bawal pala kasi wala ka naman sinabi. " Wala ba, sinabihan kayo ni Vina non pero hindi kayo tumigil.

" Me too, I thought ok lang kasi pinansin ka pa non ni Brylle at kilig na kilig pa nga kami."

" Sorry ha kasi dahil saamin hindi mo na ulit siya kasama ngayon tapos nag kakaganyan ka. Nakakapanibago. Naging sagabal pa ata kami sa plano mo." Mahina nitong sabi.

" Haha. Ano ba kayo? Ok lang. " I fake my smile.

" Ang bait mo talaga. Sana maging ok na lang ang lahat. You don't deserve this shit. " Si Ada.

" Yes, i deserve it. Kasi sa una palang alam ko ng masasaktan ako pero pinilit ko pa din eh. Kaya kasalanan ko naman." Ako. 

" That's all for to day, bukas nga pala i-te-test ko kayo, i will give you some situation then you will tell me how to deal with it, be ready, mamarkahan ko kayo. " Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Prof. Tapos na 'yung time niya kaya pala nag paalam siya. Nag paalam na saakin mga kaklase ko, nginitian ko lang sila.

Mag la-lunch ba ako ngayon? Baka mag kasakit ulit ako? Pero si Dechaves masama din pakiramdam niya kahapon? Bakit? Hays, ok na kaya siya ngayon? Sino ba kasi nag dala saakin, walang may alam, loko 'to talaga si Dechaves, lumipad daw ako.

Tumayo ako at napansin kong umiwas ng tingin si Dechaves, nakokonsensya kaya siya sa ginawa niya? Impos--- Hays lene wag ka nga ganiyan, parang wala ka na din pinag kaiba sa ibang hindi naiintindihan si Dechaves, alam mo naman sa sarili mo na kahit pa-paano tao parin 'yan may puso, nakokonsensya.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now