MBMMS 17 [Caring]

55 17 7
                                    


Caring~

Brylle's Pov.

Hindi muna ako dumiretso sa room. Nag pahangin muna ako dito sa labas ng makita kong masyado pang maaga, balita ko hindi nanaman papasok si Prof, self study muna kami.

Hays ano bang meron sayo Sanchez at pinag iisip mo ako ng ganito kagulo. Bakit ba kasi ang epal mo palagi?

Aaminin ko dati, oo nagagawa kong manakit ng babae. Gago right? Nananahimik kasi 'yung buhay ko tapos may bigla bigla nalang mang gugulo, didikit, kakapit sa braso ko na parang ewan tapos lalandiin ako. Syempre ako sa sobrang inis hindi ko na namamalayan sarili ko hanggang sa makita ko nalang sila na biglang titilapon sa lakas ng pwersa, minsan pinapa-expell ko pa. Pero wala akong pake kapag may nasasaktan ako dati, laging pumapasok sa isip ko, ' kayo naman may kasalanan, ginusto niyo iyan, nananahimik ako tapos guguluhin niyo ako. '

(˘・_・˘)

Pero ngayon, dahil kay Sanchez parang nakokonsensya na ako sa mga pinag ga-gagawa ko dati. Like bakit ko ba 'yun ginawa? Bakit wala akong maramdaman dati? Ngayon ko lang napag-isip isip, sobrang sama ko pala dati, napaka gago ko. Para akong hindi lalaki, nagawa kong manakit ng babae.

(˘・_・˘)

Aishhh!

Napasabunot ako at saka huminga ng maluwag.

Bakit ba ganito? Dumating ba talaga siya para ipagmukha sakin na sobrang sama kong tao?

Padabog akong tumayo at nag lakad ulit papapuntang room. Nakita ko kaagad 'yung dalawa kong kaklase na nag haharutan, may dalang pagkain at hindi nakatingin sa dinadaanan, umiba ako ng direksyon kasi baka mag banggaan kami, halata pa naman na hindi nila alam na may kasalubong sila dahil sa harutan nila. Ako nalang mag a-adjust para iwas gulo, baka magalit nanaman ako wala sa oras---

" Argh! Bullshit!" Napa-mura ako ng mabangga nila ako bigla at matapon sa puti kong t-shirt ang juice, fries at ketchup. Umiwas na nga ako, nabangga pa.

Damn, ano nanaman 'tong katangahan nila?

(─.─||)

Huuu

Napapikit ako at nag buntong hininga, pinapakalma ko ang sarili ko, ayaw kong mag padala sa galit.

' hindi naman kasi sa lahat ng oras mag papadala tayo sa galit. '

Biglang bumigat ang pakiramdam ko ng maalala ko ang sinabi ni Sanchez.

Tama siya

Pero

Ba't ko siya susundin?

Pero

Tama bang mag padala ako sa galit.

Mukhang hindi naman sinasadya.

Pero

Tanga.

Leneyfia's Pov.


Sandaling katahimikan hanggang sa nag si datingan na nga ang iba kong mga kaklase kaya nag mukhang palengke nanaman ang loob ng room. Nandito na rin si Javer sa tabi ni Vina may dalang pag kain. Ang sweet nga kasi sinusubuan nito si Vina ng dala niyang pagkain.

Napa-ngiti nalang ako habang nakatingin sakanila. Nasasayahan talaga ako tuwing may nakikita akong couples na sobrang sweet sa isa't isa. Like stay strong, stay inlove.

( ꈍᴗꈍ)

' asa'n na kaya si Dechaves? Ba't parang antagal niya naman dumating kasama ko lang 'yun kanina ah, sa'n naman kaya 'yun pumunta? '

Mr. Bitter meets Miss SweetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora