MBMMS 63 [Finale]

63 8 0
                                    

Windup~

Brylle's Pov.

Masaya akong nag ka-ayos na ulit kami ni Sanchez, na-miss ko siyang kasama. Akala ko la-layo loob niya saakin pero ano pa nga ba, ang swerte ko talaga sa babaeng 'to.

Pag balik namin sa hospital ay na-abutan naming andon sila Austin at Jake at si Drake ay tulog.

" Leneee... " Agad kong hinarang si Jake ng akma sana niyang ya-yakapin si Sanchez, kaya ako ang naka-yakap niya, sinamaan niya naman ako ng tingin at bahagyang itinulak. " Tsk, tabi nga jan. " Nginiwian ko siya bago tumabi at lumapit kay Drake, kumunot ang noo ko ng bigla kong mapansing tumutulo ang luha niya, nakapikit siya ngayon.

" Drake? " Hindi niya iminulat ang mata niya at inayos niya lang ang pag ka-kahiga niya.

" Asan benda mo, Lene? Ba't parang bagong bago 'yan na sugat mo? " Napa-tingin ako sa gawi ni Sanchez ng mag salita si Austin. Doon ko lang napansing wala nga pala siyang benda at natatakpan lang ang noo niya ng buhok niya.

" Ah, ano. Si Megan---"

" Ano ginawa niya?? " Agad na tanong ko dito sabay lapit.

" Wala naman--- "

" Weh ano nga? " Si Austin.

" Ano ahm... Tinanggal niya 'yung benda ko di ko napansin ang bilis ng kamay niya, napansin ko nalang ng bigla niyang diinan ang sugat ko sa n-noo. "

" Damn! " Niyakap ko siya at agad ding umalis. " Aus pakisabihan nga 'yung nurse na gamutin sugat niya. Bilis! " Sabi ko at sumunod naman 'to. Tumingin ako kay Sanchez. " Ba't 'di mo sakin sinabi? Tsk. "

" Hindi ko naman naramdaman na 'yung sakit kaya nakalimutan ko. " Nginiwian ko lang siya at maya maya ay ginamot na 'nung nurse yung sugat niya at nilagyan ito ng benda at umalis din. Lumapit naman siya kay Drake.

**

Iniwan ko muna silang tatlo don para bantayan si Drake, umuwi muna ako para maligo. Maya maya ay bumaba ako at nakita ko si Mom and Dad kasama ang magulang ni Sanchez, nag u-usap sila.

' kelan kaya umuwi 'to? '

" Ah yes, tsk, my decision is final. " Rinig kong sabi ni Mr. Sanchez.

" That's good Neyfouz, ni-request 'yan saakin ni Brylle, nako. Kung ako lang sana nasunod noon hindi na ako naki-pag-areglo jan kay Meisha. " Rinig kong sabi ni mom.

Meisha? Mommy ni Megan?

" Hayaan mo na. "

" Oh son? How's your friend Drake? " Nag kibit balikat lang ako ng tanungin ako ni dad, pansin kong nasa akin ang tingin nilang lahat.

" I don't know, dad. Pero sana gumaling siya. "

" Ito na pala ang anak mo Brylian, siguro madaming taga-hanga 'to? " Lumapit saakin ang mommy ni Sanchez na tuwang tuwa. Nahihiya akong ngumiti dito.

Oo tita gusto nga ako ng anak niyo.

" Syempre naman Leigh, kala mo lahi niyo lang 'yung maganda. Bagay na bagay nga anak ko sa anak mo eh. " Sinamaan ko ng tingin si Mom.

" Akala ko nga may something sa kanilang dalawa ni Leneyfia dahil nakita kong suot na t-shirt ang anak ko na may buong pangalan ng anak niyo, Neyfouz. HAHAHA. " Napa-pikit nalang ako at nag bow nalang sakanila bago umalis, nakakahiya, ang daldal nila mom and dad.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now