MBMMS 28 [Untold]

45 13 2
                                    


Untold~

Drake's Pov.

Nag lalakad ako ngayon dito sa loob ng campus papunta ng room, hindi ko na kasi pinapasok 'yung service ko, trip ko lang mag lakad ngayon kasi exercise na din hehe.

' Ano kaya kung nasabihan na ni Brylle si Lene? Sinabi niya kaya na may gusto ako kay Lene? '

Biglang kumurba ang ngiti saaking labi ng maisip ko si Lene. Para saakin siya na 'yung ideal girl ko. Mabait siya sobra, hindi maarte, matalino, ibang iba sa lahat ng babae na na-e-encounter ko at ang pinaka nagustuhan ko sakanya ay 'yung pagiging masiyahin niya. Sa kabila ng mga sinasabi sakanya ni Brylle, parang wala lang sakanya. Hindi ko nga talaga alam kung bakit hindi na sumasama saamin si Lene, alam ko naman kasing hindi basta basta mapapa-sunod 'yun ni Brylle ng ganun lang kadali. May iba akong nararamdaman, parang may hindi sinasabi saakin si Brylle.

Unang kita ko palang kay Lene ay nakuha niya na agad atensyon ko na ewan, biglang bumilis tibok ng puso ko ng makita ko siya. Siya 'yung tipo ng babae na mabilis pakisamahan, simple lang, siya din dahilan kung bakit tawa ako ng tawa and I love the way she makes me laugh. Sa loob ng isang buwan na nakakasama ko siya mas lalo akong napapalapit sakanya at alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sakanya pero kelangan ko pigilan, dapat hanggang doon na lang, baka pag nalaman niyang may gusto ako sakaniya masira pag ka-kaibigan namin. Naiisip ko din minsan, sino kaya 'yung lalaking nagugustuhan niya, meron kaya? Ang swerte na non.

Aaminin ko dati wala akong pake kapag may sinasabihan si Brylle ng mga masasakit at nakakapanlait na mga salita sa iba. Pero ngayon? Pag dating kay Lene bigla nalang umiinit ang ulo ko kapag may sinasabi siyang hindi kaaya-aya kay Lene pero hindi ko naman sakanya pinapahalata na naiinis ako, sinusuway ko na lang siya kasi nakakaawa naman si Lene pero parang wala naman kay Lene.

Inangat ko na ang ulo ko at biglang tumama ang paningin ko sa isang babaeng familiar, na sa unahan ko siya, na ka baluktot siya habang nag lalakad mukhang malungkot din.

' L-Lene?'

(;;;・_・)

Hinawakan ko siya sa balikat at napatalon naman siya sa gulat, mabuti nga walang pa masyadong studyante dito kundi may nabangga na siya.

" I-ikaw pala Drake. B-bakit? " Siya.

" Are you ok? " Nag aalalang tanong ko sakanya ng mapansin kong namayat siya at maputla at parang malungkot ang mga mata niya, namamaga rin ito.

' umiyak ba siya?'

Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng mapansin kong malungkot siya. Damn, hindi ako sanay sa ganiyang awra niya. Gusto ko siyang yakapin. I don't want to see my girl sad.

" Ahh... O-oo.. "

" I see... " napatango pa ako saka siya pinagmasdan. Halatang hindi siya makatulog kagabi at pumayat ata siya. Ilang araw ko na din 'to hindi nakikita si Lene at wala akong balita sakaniya, what happened? Nag lulunch pa kaya 'to? Baka hindi siya kumakain ng mabuti. " Can we talk? I guess you have a lot of time. " Simple siyang tumango. " Let's go there." Tinuro ko 'yung bench at don nga kami umupo. " Are you sure, you ok? "

" Mmm... " tumango siya habang nakatingala. Damn hindi siya ganiyan. May ginawa ba sakaniya si Brylle?!

" Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos kagabi, pumapayat ka rin. Ano ba iniisip mo? Nag lu-lunch ka pa ba? Kumakain ka ng maayos? May problema ba? Hindi na kasi kita nakikita at wala na akong balita sayo... " Tanong ko sakanya habang pinagmamasdan siya. Napayuko naman siya. Nasasaktan ako, ayaw ko siyang nakikita ng ganiyan, she's my friend, sister and my princess. Yan ang turing ko sakaniya.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now