MBMMS 32 [Same Subdivision]

43 11 0
                                    


Same Subdivision~

Brylle's Pov .

([>__<])


' Ano ba 'tong nararamdaman ko, sumisikip ang dibdib ko. '

Inilatag ko nalang ang bayad ko saka ako umalis. Sasabog na ata utak ko. Bakit parang anlakas ng tama saakin ng mga sinasabi ni Sanchez? Ayokong makining sa mga sinasabi niya kasi sumisikip lang ang dibdib ko. Na a-alala ko lang din kasi 'yung mga panahong nag mukmok lang ako sa kwarto.

' Yes, I fixed myself pero hindi na ako 'yung dati. I changed it. '

Pero bakit dahil sa sinabi mo Sanchez, parang pinag si-sisihan ko ng binago ko pa ang sarili ko?

Kaya ako lumayo kasi ayaw ko munang marinig ang mga sinasabi niya. Mas lalo lang akong malilito.

" D-dechaves!!!" Mas binilisan ko ang pag lalakad ko ng marinig kong tawagin ako ni Sanchez. Damn! Gusto ko muna mapag-isa, ang dami ko pang iniisip. Una kung bakit nag kaka-ganito ako.

" Ano bang nangyayari sayo? " Siya ng maabutan niya ako. " May problema ka ba? Sabihin mo lang." Yumuko siya. Napahinto naman ako at napatingin sakanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro nga dahil ngayon ko lang narinig ang tanong na 'yun at ang sarap sa tenga. Pero bakit? Bakit siya pa?Bakit sakanya pa? Hindi pwede... Siya lang 'yung kauna-unahang taong nag tanong saakin niyan. Pero bakit ko naman sakanya sasabihin problema ko? Ano ko ba siya? Hindi ko alam kung ano ba kita hindi naman kita kaibigan o ano pa basta ikaw lang nakapag papagaan ng pakiramdam ko at nag papalito ng isipan ko. Pero kahit na hindi ko kelan man sasabihin sayo. Kasi wala ka namang karapatan malaman 'to. Nag lakad nalang ako tsaka huminto ng na sa tapat nanamin ang room.

" Jan ka lang muna. Tss ! " Sabi ko sakanya saka ako pumasok sa loob ng room. Gusto ko muna i-relax ang sarili ko sa isang lugar kung saan walang katao tao. Gusto ko muna mag -isip. Wala pa naman ang mga kupal kaya mag-isa lang ako dito. Isinanday ko ang ulo ko sa pader saka ipinikit ang mata. Isinuot ko ang headset ko pero hindi naman ako nag play ng music, para din hindi na muna ako guluhin ni Sanchez.

' Damn. Why is this happening? Bakit ako nalilito? Ano bang ikinalilito ko? Isang kwento lang naman 'yun eh. '

' oo nga, isang kwento lang 'yun pero parang mahihahalintulad narin 'yun sa buhay mo Brylle. Ganun, ganun na ganun ang nangyare sayo pero may isang naiiba. 'Yun ay 'yung binago mo ang sarili mo which is maling-mali. Tama siya, bakit kelangan mo pa baguhin ang sarili mo? '

Pero hindi naman kasi maiiwasan ang mag bago sa kabila ng nangyare lalo na't grabe ang sakit na idinulot neto saakin.

' Arggh! Tf Sanchez! Pa'no mo nagawang lituhin ang isipan ko? Ano ba ginawa mo sakin? Buo ang paninindigan ko pero nung dumating ka parang dahan dahang nahahati. '

" Ehem. May problema ka ba Dechaves? Kung meron man bakit hindi mo sabihin? Andito naman ako para tulungan ka, makikinig naman ako sayo, alam mo yan. " Nagulat ako pero hindi ko pinahalata na-natili akong nakapikit at pinapakinggan siya. "Alam kong may problema ka kasi naging ganyan na din ako dati pero hindi ako naging bitter. Naging masungit lang ako 'noh. Pero alam mo kung ano ginawa ko? Hindi ko binago sarili ko. Mas lalo ko pang tinapangan. Kasi kung ipapakita ko sakanilang nag papa-apekto ako, mas sa-saya sila. At kung ipapakita kong nag papa-apekto ako? Para ko na rin pinakita sa kanilang duwag ako. Kaya kung ano man 'yan. Sana malampasan mo, alam kong mahirap pero kayanin mo. Stay true to yourself because there are very few people who will always be true to you. " Biglang natahimik ang paligid, pati ang mga huni ng ibon ay wala akong marinig. Parang tumigil ang oras. Hindi ko alam pero ng matapos niyang sabihin 'yan may naramdaman akong kakaiba. Bigla nanamamg gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko iminulat ang mga mata ko, nanatili lang akong nakapikit. Pero 'yung tibok ng puso ko sobrang bilis.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now