MBMMS 23 [What's going on?]

51 16 3
                                    


What's going on~

Brylle's pov

┐(´д')┌

Late akong nagising ngayon, hindi kasi ako makatulog kagabi kakaisip kung ba't ba ako binigyan ng cupcakes ni Sanchez. Ewan ko ba kahit hindi naman ako mahilig sa cupcakes nakaramdam ako ng tuwa nung bigyan niya ako non. Ni hindi nga ako makatulog may kung ano kasi ang bumabagabag saakin. Basta ang alam ko kagabi ko lang ulit naramdaman ang sobrang gaan ng pakiramdam na para bang wala akong problema. Pero ang hindi ko maintindihan, kinikilabutan ako bigla.

' ba't ko nga ba 'yun iniisip? Ano bang pake ko? '

' pero bakit nga ba talaga niya ako binigyan? Ayshh!! '

Napakamot ako ng ulo. Binuksan ko 'yung ref para i-check kung nandon pa ba 'yung cupcakes baka kasi nananaginip lang ako. Pero andun naman.

**

Umalis na ako ng condo at seryosong naglakad patungong SU

' kainis. Ngayon lang ulit ako na huli. Punyeta kasing cupcakes 'yan. '

~
Na sa tapat na ako ng bintana ng room ng mapansin ko ang mga kaklase kong nag kukumpulan, sure akong pasimuno nanaman ni Sanchez 'yung kadaldalan na 'yan, halatang sakanya lahat naka-tuon.

' Aga aga talaga nag chi-chismissan. '

Napailing nalang ako at nag diretso sa pag lalakad.

" Lene oh! Anjan na si Dechaves. Ayieeee..." Nagulat ako ng may biglang sumigaw.

([O__o])

' ano naman kung nandito na ako? '

" Ayiieee... Anjan na si Crush!! " Napahinto ako ng bahagya at napatingin kay Sanchez na tulalang tulala habang nakatingin saakin.

' crush? A-ano? Sinong crush? At Sino ang may crush???'

" Ayieee Brylle oh crush ka ni Lene. "

([O__o])

' the fvck are they out of their mind? Seriously? '

ಠ_ʖಠ

' seriously???? '

Seryoso kong tinignan ng diretso sa mga mata si Sanchez, naka tulala lang siya at namumula. Kaya biglang nag salubong ang mga kilay ko.

Nag lakad na ako papunta sa gawi niya at bigla syang napakurap at mas lalo pang namula.

Inilapit ko sa tenga niya ang bibig ko at bigla akong napangisi ng maramdaman ko ang tibok ng puso niya.

" AaaahhhhhHHh!!! "

"waaaaAaaH is this real??? "

" Ayieee..."

" Bagay kayo waaaaAhhh!! "

" Kakakilig naman... " Rinig kong hiyawan ng mga kaklase namin.

" Totoo ba? " Naka ngisi kong tanong saka humarap sakanya. Mukha parin siyang istatwa ngayon.

"... " Dahan dahan siyang tumango habang hindi maka-tingin saakin ng diretso at biglang nag hiyawan ang mga kupal. 'Yung iba napapatalon pa na parang mga tangang kilig na kilig saamin.

' may gusto ka pala saakin Sanchez HAHAHA! '

Hindi ko alam pero may kung ano sa nararamdaman ko, natutuwa na ewan parang hindi naman, ba't naman ako matutuwa?

(˘・_・˘)

Ewan ko, biglang kumurba 'yung matamis na ngiti sa labi ko habang iniisip na may gusto pala siya sakin all this time.

HAHAHAHAHAHHAHAHA

" Kelan pa? " Tanong ko sakanya, umiwas naman sya ng tingin.

' nahihiya na ang Sanchez ah. Tama 'yan, mahiya ka talaga. Inisin ko kaya siya gamit 'to? Tignan ko kung paano siya mapikon.

" U-una palang 'nung tinulungan m-mo ako. " Siya pero hindi saakin nakatingin. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. HAHAHAHAH a-all this t-time may gusto siya saakin? HAHAHAHAHAHAHAHAHAH.

Ewan ko ba at tuwang tuwa ako ngayon.

" Ah ganun ba? " Maamo kong tanong at natahimik ang lahat .

' asarin ko kaya 'to HAHAHAHAHA. '

" Sorry ha, wala kasi akong pake. " Biro ko, gusto ko lang siya makitang mapikon. Mapikon kaya siya? Medyo grabehan natin para sure. Joke joke lang naman. " Wag ka pala umasa na magugustuhan din kita, malabo na 'yun. Atsaka kung mag kakagusto man ako? Bakit sayo pa? Ano bang meron sayo? Hindi ka kagusto gusto." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Pinipigilan kong tumawa para hindi halata. Napa-tingin ako sa mga mata niya at nagulat ako ng makita kong patulo na ang luha niya, napayuko siya. Bigla ako nakaramdam ng konsensya, akma na sana akong mag sasabing joke kaso bigla siyang umalis.

(;ŏ﹏ŏ)

' lagot, ano ba nagawa ko? Nasaktan ba siya? Ganon ba siya mapikon? Nag bibiro lang naman ako---'

" So ano? Ayos ba Brylle? Masaya ba? Nakasakit ka, masaya? " Napa-tingin ako sa nag salita at nakita ko si Vina. Kumunot ang noo ko. " Kailangan bang ipahiya mo sa harap naming lahat si Lene. Ganyan ka na ba kamanhid at hindi mo iniisip nararamdaman ng isang tao? Ganyan ka na ba talaga binalot ng problema mo, Brylle? " Parang may biglang tumusok sa dibdib ko ng sabihin niya saakin ang katagang iyan. Bigla niya akong sinangga sa kabilang balikat ko, akma sana siyang aalis pero pinigilan ko siya.

" T-teka, nag bibiro lang naman ako. Gusto ko lang naman makita kung pano----"

" And do you think it's funny? Ang makasakit ng damdamin ng iba ay biro lang talaga para sayo? How ridiculous. Respect other people's feelings. Even if it doesn't mean anything to you, it could mean everything to them. Minsan wag puro utak ang gamitin mo, gamitin mo naman 'yang puso mo, mukhang matagal ng hindi nagagamit eh. " Inirapan niya ako. Wala akong nagawa kundi ang tumahimik nalang.

(˘・_・˘)

Bakit ba hindi muna nila ako pakinggan?

Pero sige, oo mali naman talaga ako. Pero inaasar ko lang naman kasi si Sanchez dahil gusto ko siya makita kung pa'no mapikon, mainis o ano. Ang akala ko naman ay wala lang 'yun sakanya. Madami na akong nasabing mas malala pa dun pero bakit mas parang apektadong apektado siya dito?

Nakita kong nag silabasan ang mga kaklase ko at naiwan ako ditong mag-isa.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang ako pa 'yung nasasaktan ngayon?

Naalala ko nung makita ko 'yung mga mata ni Sanchez na paluha na, sa sobrang masiyahin niya ba naman nakaka bigla 'yung expression niya kanina. Nang makita ko ang mga mata niyang paluha na, parang may tinik na tumusok sa puso ko.

Hindi ba dapat natutuwa ako ngayon? Natutuwa ako kasi mukhang nagalit siya saakin? Eto naman 'yung gusto ko diba? Bakit parang nasasaktan din ako?

Ano nanaman ba nagawa ko?

Napahilamos nalang ako ng mukha.

To be continued...

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now