MBMMS 34 [I THOUGHT]

44 9 10
                                    


I thought~

Leneyfia's Pov .

([^__^])

Excited akong pumasok ngayon lalo na't alam ko na kung saan nakatira si Dechaves at ang nakakatuwa lang ay dito pala sa Subdivision namin siya nakatira. Kumpare pa ni Dad ang Daddy niya.

Syemas meant to be!

' So ngayon alam ko na, hihihihi! Lagi na akong sasabay sakanya. Kaso sabi niya hindi nga pala siya dito umuuwi minsan. '

Nakangiti akong nag lakad paalis ng bahay saka tumungo kung saan ay tinuro saakin ni Dechaves ang mansion na inuuwian niya.

Na sa harap na ako ngayon ng mansion nila. Sumilip pa ako pero tanging mga body guards lang ang nakikita ko.

' siguro tulog pa 'yung Dechaves na 'yun!'

Tinignan ko ang relo ko at maaga pa naman kaya siguro tulog pa 'yun. Napag desisyunan kong hintayin nalang muna siya dito sa labas ng mansion para sabay na kaming pumunta ng SU.

" E-excuse me, Miss? " Napatingin ako sa nag salita at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng pang body guard na uniporme.

" D-Dito po ba nakatira si Dechaves ? " Tanong ko at bigla namang kumunot ang noo niya.

" Oo, mansion ito ng mga Dechaves. Sinong bang Dechaves hinahanap mo?"

" Ah. S-si B-Brylle po. Kaklase niya ho ako. Nandyan po ba siya? " Tanong ko.

" Ah, si Sir Brylle ba? Kanina pa 'yun umalis eh. Ang aga nga. " Nanlumo ako sa narinig ko

([O__o])

' hanla. Ang aga niya naman ata. 8:30 a.m palang eh.'

" Ahh sige po. " Sabi ko saka naka simangot na umalis.

' Ano ba 'yan !? Kala ko pa naman sabay kami papasok ngayon ni Dechaves. Na excite pa naman ako.'

( ̄ヘ ̄;)

Napag desisyunan kong mag pa-hatid patungong SU, nag mamadali ako kasi sabi kanina pa daw umalis si Dechaves edi nandon na 'yun.

Madali akong nakarating sa SU at mabilis akong nag lakad patungong room at...

([O__o])

Pag dating ko bakante pa ang upuan niya...

' Asan na 'yun? Kala ko ba...'

" V-vina! " Tawag ko kay Vina.

" Oh ano? Tss. " Siya.

" Nakita mo ba si Dechaves? "

" Si Dechaves? Hindi. Ako pinaka unang dumating dito. Hindi pa naman siya dumadating. Bakit? "

" Ah s-sige... " tumungo na ako sa upuan ko saka umupo.

' Akala ko ba umalis na siya? Ba't wala pa siya ngayon? Sa'n naman kaya siya pumunta? Mag cu-cutting kaya siya? '

Yumuko nalang ako at nag hintay sakanya.

~20 minutes later ...

" Omygodd! "

" Para saan yan na dala mo Brylle? "

" Ohh? Ikaw Brylle mag dadala nyan?"

" Si Brylle ba 'yan? " Bulungan ng mga kaklase ko, kaya bigla ko nai-angat ang ulo ko. Nakatayo silang lahat. 

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now