MBMMS 16 [Realization]

51 17 0
                                    

Realization~

Brylle's Pov .

(´-﹏-';)

Nag lalakad na kami ngayon pabalik ng classroom. Ang sakit ng tyan ko, hindi ako makalakad ng mabilis dahil busog na busog ako. Ikaw ba naman ubusin 'yun lahat.

' kelan ko kaya mapapa-alis sa buhay ko 'tong babaeng 'to? Lagi nalang akong napapahamak sakaniya. Ano ba ayaw niya? Mukhang wala naman eh, kahit ano naman kasi sabihin at gawin ko sakanya mukhang 'di naman siya nasasaktan! Sana lahat. '

(˘・_・˘)

' Ang hindi ko maintindihan bakit may parang kakaiba akong nararamdaman na ewan kahit ako hindi ko ma-explain. Hindi ko rin maintindihan bakit pag dating sakanya parang ang bait bait ko, unlike sa ibang babae dati na habol ng habol sakin nasasaktan ko na ng physical and I know na masama manakit ng babae but I don't care pero pag dating kay Sanchez, parang hindi ko kayang gawin 'yun sakanya, nakokonsensya agad ako, ayaw ko siyang nasasaktan physically. Unlike dati pag nagagawa ko 'yun wala akong pake. Hay! Ba't ba ganon? 

' ba't ba kasi nag transfer pa 'to? Andami tuloy gumugulo sa isip ko? Ano ba meron sa babae na 'to? '

Nakatingin ako sakanya, pinagmasdan ko siya habang nag lalakad, parang batang ngingiti ngiti. Napa-iling nalang ako.

"Hoy Sanchez! " Sigaw ko sakanya kahit malapit lang siya saakin, wala gusto ko lang mainis siya sa ugali ko nang sa ganon lumayo na siya sakin. Eto lang naiisip kong paraan para lumayo siya saakin, 'yung hindi siya nasasaktan. Dapat mainis siya sa attitude ko.

" Aray!!! " Na pa-hawak siya sa tenga niya at biglang tumingin sa'kin. Kala ko magagalit pero biglang ngumiti pa sakin.

' ibang klase talaga. Ang hirap.'

Inalis ko ang paningin ko sakanya at tumingin nalang sa daan habang naka pokerface at inis na ginulo 'yung sarili kong buhok.

' ako yata naiinis ah. '

" Welcome hihihi! " Masaya niyang sabi kaya kunot noong napatingin ako sakanya.

Sira ba ulo neto? Mag sasalita nalang bigla. Tsk.

" Welcome?? Baliw ka ba? Tss! " Inalis ko paningin ko sakanya.

" Eh advance lang, baka kasi mag tha-thank you ka sa libre ko kanina. Wooo! Dami kong gastos don ah. " Siya lang talaga 'yung babaeng mahinhin minsan gumalaw pero kapag nag sasalita ibang iba, imagine ang hinhin niyang maglakad pero kung mag salita ngayon... Tss! Nvm. Minsan lang naman siya mahinhin kapag trip niya lang ganun. Iba iba nga ang mood netong abnormal na 'to.

(٥↼_↼)

" Ba't ako mag tha-thank you, eh kusa mo naman 'yun kaya wag kana mag reklamo! Tss! " Umirap ako at huminga siya ng malalim tsaka ngumuso.

( ̄ヘ ̄;)

*Pout

(٥↼_↼)

*Glare

" Ano pa ba ini-expect ko sa isang ma-pride slash bitter kuno na katulad mo. Ok lang, mababago mo din yan." Nag smile pa siya

" Never. Tss "

" So ba't mo pala ako tinawag? "

" I just want to say, wag ka ng sumama. Epal ka, lagi ako napapahamak sayo."

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now