MBMMS 26 [Reality]

52 14 5
                                    


Reality~

Brylle's Pov .

Kinabukasan**

" Hoy Brylle, ikaw ba nag dala kahapon kay Lene sa clinic? " Tanong ng kaklase ko pero umiling ako.

Bakit nila natanong? Tsk. Pake--

" Eh ganon? Kala ko pa naman ikaw. Sabay kasi kayo nawala tapos wala naman sa'min may alam na may sakit pala si Lene, nasa labas kaya kami lahat."

" Baka lumipad." I answered frugally. Gusto kong lingunin si Sanchez para tignan kung ok ba siya, kala ko ngayon papansinin niya na ako pero hindi parin. Hindi ko siya magawang lingunin baka mamaya isipin niya gusto ko din siya. Tsk.

Flashback **

Nadatnan ko si Sanchez, naka-yuko siya mukhang tulog.

' himala! Hindi ata natakot! '

' Pero.... Ibig sabihin hindi siya nag lunch? Seryoso, anong trip neto? 'Yun lang hindi na siya kakain? Ganyan ba talaga siya masaktan? '

' sabagay, dati ganyan din ako. '

ತ_ʖತ

Tumungo ako sa upuan ko habang pinag mamasdan siya. 

' ba't ganun? Dapat nag papakasaya ako ngayon, pero bakit parang namimiss ko 'yung ingay niya at pangungulit niya? '

' eto naman talaga ang gusto ko diba? Kahapon lang, rinding rindi pa ako sakanya tapos ngayon parang bigla nalang nag bago.'

Hindi ko na napigilan sarili ko at lumapit ako sakanya. Tulog nga siya.

(ꏿ﹏ꏿ;)

Napa-atras ako bigla 'nung bigla siyang gumalaw. Pinagmasdan ko siya. Pawis na pawis siyang sumanday sa upuan habang nakapikit pa din. Bigla akong nakaramdam ng pag a-alala ng mapansin kong maputla siya kaya agad akong napalapit sakanya. Diniinan ko siya at ang lamig niya. Mukhang nang hihina siya ngayon. Inalalayan ko 'yung ulo niyang kanina pa galaw ng galaw dahil hindi makasanday ng maayos. Kinuha ko 'yung unan sa may reading corner at inilagay iyon sa upuan niya at doon ko siya pinasandal.

ಠ◡ಠ

Napa-ngiti ako ng makita kong kalmado na siya at komportable na sa sinasandayan niya.

"D-Dechave--"

( O______O)

Agad ko siyang sinalo ng muntikan na siyang mahulog sa upuan niya.

Shit.

Wala siyang malay ngayon.

Gutom 'to panigurado.

Agad ko siyang dinala sa clinic. Hindi ko alam pero sobrang pag aalala ang nararamdaman ko ngayon. Sabayan mo pa ng konsensya.

Dali dali akong tumungo sa room at kinuha 'yung bag ko habang wala pa 'yung mga kaklase ko. Pumunta ako sa faculty at nag pa excuse ako kay Prof, dinahilan kong uuwi muna ako at hindi makakapasok sa sub niya dahil masama pakiramdam ko.

Pag katapos non ay agad akong tumungo sa clinic, kinausap ko 'yung nurse na maaari 'wag niyang sabihin na ako ang nag dala kay Sanchez, ayaw ko din talaga na may maka-alam. Mahirap na, may gusto sakin si Sanchez at baka sabihin niya binibigyan ko siya ng motibo pero alam ko naman na hindi naman siya ganon mag isip pero kahit na, iwas na din. Gusto kong ang makita niya lang saakin ay wala akong pake sakanya, mas mabuti na 'yun. Oo na may pake na ako sakanya. Happy?

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now