As a friend~
Brylle's Pov .
Inaantok pa ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong si Drake ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
" Oh? " Inaantok kong sagot.
" Favor again... "
" Ano ba 'yun? " Sabi ko habang naka pikit.
" Ahmm... Pwedeng mag ayos ka na at kita ulit tayo doon sa parking lot. Bibili ulit tayo ng i-bi-bigay kay Lene. Ilang araw na din akong hindi nakakapag-bigay sakaniya. " Bigla kong na i-mulat ang mga mata ko at bigla akong napabangon sa sinabi niya.
" S-sige. S-sandali mag a-ayos na muna ako. " Dali dali akong pumunta ng banyo para maligo. Hindi ko maintindihan sarili ko, pag ka-rinig ko ng pangalan ni Sanchez biglang nawala antok ko.
Madali akong natapos and time checked, it's already 5:00 a.m. Bumaba na agad ako at nag paalam kay manang. Nag tataka 'to si Manang kasi lagi na akong umuuwi dito sa mansion.
" Sigurado ka ba Brylle? Baka malipasan ka ng gutom nyan? "
" Ahh h-hindi po, babalik din po agad ako dito promise hehe... Bye manang." Masaya kong paalam at agad na lumabas ng Mansion.
' arghh? Bakit ang saya ko? Dahil ba bati na kami ni Jake? O dahil hindi ko maramdaman 'yung mga problema ko dahil kay Sanchez?'
Maya maya ay nakarating na ako sa parking lot, konting minuto ng pag hi-hintay ay dumating na din si Drake, hindi ko na siya pinasalita at agad ko ng binuksan ang pintuan at agad akong sumakay.
" Let's go. " Sabi ko habang ina-ayos ang seatbelt ko.
" What the? " Napatingin ako sakanya.
" Oh? "
" Brylle? Seryoso? Naka shorts at t-shirt ka lang? Lutang ka ba?" Kunot noong sabi niya at kunot noo naman akong napatango.
" O-oo bakit? " Tanong ko at nag simula na nga syang mag drive.
" Uuwi ka pa? "
" Oo. Kaya nga nag mamadali ako eh kasi uuwi pa ako. Hindi na nga ako muna nag almusal, masamahan ka lang. Wag mo na atupagin suot ko. " Sabi ko at natawa nalang siya.
" Wala naman kasi akong sinabing bilisan mo, excited ka. Pwede ka naman na mag uniform and you can eat your breakfast too." Nakangisi niyang sabi habang nag mamaneho.
" Ayaw ko! Hindi pwedeng hindi ako babalik. "
" Why? " Tanong niya.
' Si Sanchez, sabay kaming papasok.'
" S-sabay kasi kami ni S-sanchez papasok..." Nahihiya kong sabi.
" Ok. " Sabi niya at napatingin naman ako sakanya.
' nag se-selos ba siya? Nako! Bakit ko ba kasi sinabi? Ampta! '
" Bro, wag ka mag seselos ah. Wala lang 'yun ok? As a friend, 'yun 'yon." Ngumiti ako.
" Tsk hahah why should I?" Tumawa siya at napasulyap saakin. " By the way as a 'FRIEND' " may diin sa pag kakasabi niya.
" M-mm "
" Woah! Talaga? Friends na talaga?! " Gulat na gulat na tanong niya pero halatang masaya.
" E-ewan. Parang ganun na rin 'yun kasi halos lagi na kaming sabay at mag kasama, at wala na akong problema dun... " Napasanday ako habang naka-nguso. Na ha-hawa na ako sa pa nguso-nguso ni Sanchez.
![](https://img.wattpad.com/cover/224612048-288-k720114.jpg)
YOU ARE READING
Mr. Bitter meets Miss Sweet
Teen FictionMBMMS Meet these two characters who have their own perspective. He hate her but she loves him. Brylle Tyre Dechaves is suffering from Philiphobia (fear of falling in love) because of his past. Because of his phobia, he was this so called 'Bitter'...