MBMMS 13 [Gay]

61 22 0
                                    

Gay~

Leneyfia's Pov .

Umalis na ako sa rooftop at tumungo ng classroom. Naisip ko kasing kawawa naman si Dechaves doon lalo na't may problema pa siya, hindi siya dapat iniiwan do'n, baka isipin niya nanaman nag iisa siya. Kaya babalik na ako para samahan siya, baka mabawasan pagiging masungit niya saakin. Atsaka, namiss ko rin siyang kausap. Miss niya rin kaya ako? Hahaha imposible!

(*﹏*;)

Medyo may kalapitan na ako sa classroom, sinilip ko kaagad si Dechaves at nakita ko na siya, palinga linga siya sa paligid animo'y may hinahanap agad akong na pa-tago sa pader ng makita kong sumilip siya sa bintana.

' Hinahanap niya ba ako? Hihi '

(• ▽ •;)

Dumungaw ako at nakita kong nakasanday na siya sa upuan niya, nakasimangot at naka crossarmed.

' Ba't ba ang gwapo mo Dechaves kahit nakasimangot  ka? '

Dahan dahan na akong tumakbo patungong classroom. 

"Oh? Nakasimangot ka nanaman? Ano 'yung payuko yuko mo kanina ha? Don't talk to me don't talk to me ka pa jan, hinanap mo naman ako. " Sabi ko habang nakangiti. Nanlalaki naman ang mata niyang napatingin saakin. Sumanday ako sa pader saka nag crossarmed.  " Haha Don't worry, I'm here. Hindi naman kita iiwan... " Sabi ko at saka na ako nag lakad patungong upuan ko. Ngumisi ako ng nakakaloko dahil nakangiwi niya akong sinundan ng tingin.

" Assumera." 

" Hanla! Ako? Assuming? Indenial ka lang. " Sabi ko habang tinuturo pa ang sarili sabay upo.

" Indenial your face. " Masungit niya nanamang sabi.

' Kelan ba matatapos ang period neto? '

" Pikon HAHAH!! " Pang aasar ko. Napatingin ako sa mata niya at napansin kong namumula ito.

Umiyak ba siya?

" Tss! Don't you ever laugh at me like that, we're not that close. You're not my friend."

" Ok. So kung hindi nga ako hinahanap mo, sino? " nag pangalumbaba ako. 

" W-wala akong hinahanap, na pa tingin lang ako sa labas kasi nag tataka ako bakit wala 'yung mga kupal, napaka assumera mo!" Singhal niya sakin. Alam kong hindi siya nag sasabi ng totoo kasi hindi siya makatingin saakin ng maayos.

Gotcha!

" Weeehhh! Sige na nga! " Pag papakumbaba ko. Bigla kong hinatak 'yung mukha niya at hinarap ito sakin. Gulat na gulat naman siya ng ilapit ko 'yung mukha ko sakanya. Gusto ko ng matawa sa reaksyon niya. Tinignan ko siya ng diretso sa mata. At confirmed umiyak nga siya.

" A-ano ba--" binitawan ko ang mukha niya at saka ako tumawa ng malakas. " What?!" Siya habang naka hawak sa panga niya.

" Umiyak ka ba?" Nag cross armed pa ako. Umiwas naman siya ng tingin. Shit Leney dapat hindi ka tumawa, iba nanaman iisipin niyan, iisipin nanaman niyan na tinatawanan mo 'yung pag iyak niya. Nag mumukha tuloy na parang pinag titripan mo na siya.

Eh sorry naman nakakatawa kasi mukha niya kanina gulat na gulat kala niya naman hahalikan ko siya eh.

HAHAHAHAH

" Don't ask."

"Den esk nyenye..." Pang aasar ko at sinamaan niya naman ako ng tingin. Hindi na ako nag abalang mag tanong pa dahil alam ko naman na hindi niya ako sasagutin. Umupo nalang ako. Alam kong umiyak siya.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now