MBMMS 12 [Her side]

68 19 3
                                    

Her side~

Leneyfia's Pov .

Hindi ko maiwasang matawa habang naalala ko 'yung itsura ni Dechaves nung last Friday, tulala siya and shit natatawa ako sa mukha niya pero hindi sa sitwasyon niya. Nakakaawa nga eh parang andaming problema. Nag ke-kwento ako ngayon, sa akin lang ang tingin ng mga tropa niya habang siya naman ay ilang beses ko ng narinig na nag bubuntong hininga. Pinipigilan ko tumawa kasi baka iniisip niya tinatawanan ko sitwasyon niya. Natatawa lang naman kasi ako sa itsura niya. Kaya ako talaga ayaw ko talagang natutulala ako eh parang ampanget ko pag ganon.

" Guess what happened? Sinungitan niya ako nung dismissal, niremind ko lang naman siya na uwian na kasi lutang siya, kami nalang dalawa 'yung nasa room umuwi na lahat, ako nag liligpit ng gamit tapos siya tulala parin, I was trying to figure out what he was thinking but he---" natigil ako ng biglang tumayo si Dechaves at hawakan ako sa kamay sabay hinila.

ミ●﹏☉ミ

ヘ(。□°)ヘ

" Hoy! Brylle, hindi pa siya tapos mag kwento! "

" Anak ng! "

" Sana all!" Rinig ko pang sigaw nung isa sa tropa niya.

^_________^

Napapangiti ako ngayon habang pinagmamasdan ang kamay ni Dechaves na nakahawak sa kamay ko ngayon, kinikilig ako. Akala ko ba ayaw niya ako kasama, bakit ngayon hila hila niya ako?

Sweet--

(;;;・_・)

--A-aray..

(;ŏ﹏ŏ)

...

(●´⌓'●)

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Dechaves sa kamay ko, habang tumatagal ay nararamdaman ko na masakit at kita kong namumula na ito, konti nalang ay mapuputol na ang kamay ko.

(ꏿ﹏ꏿ;)

Hindi ko makita ang mukha ni Dechaves dahil nasa likod niya ako, at dahil sa bilis niyang mag lakad hindi ako makahakbang ng maayos.

" A-aray..." Sambit ko at natigil kami, bigla naman siyang napabitaw. Napahawak ako sa kamay ko, bakas sa kamay ko ang marka ng pag hawak dito ni Dechaves dahil sa sobrang higpit para na akong may bracelet na red. Shit, anyare ba sakanya bakit ang higpit ng hawak niya sakin, masakit kaya 'yun. Napatingin ako sakanya habang hawak ko ang kamay ko, pansin ko ang pag a-alala sa kanyang mukha.

Napakunot ang noo ko habang pinag mamasdan siya.

' totoo ba 'yan Dechaves, nag aalala ka? Damn Leney halata naman. '

" S-sorry---" natigil siya, pansin kong gustong gumalaw ng katawan niya, base sa aking napapansin gusto niya akong lapitan pero hindi niya magawa. 'Yung sakit na nararamdaman ko ay biglang nawala ng marinig ko siyang humingi ng tawad. Nginitian ko siya, alam kong mahirap sakanya na lapitan ako dahil sa paninindigan niya at naiintindihan ko naman 'yun. Alam ko naman na gusto niya akong lapitan. Diretso lang ang tingin niya saakin animo'y pinagmamasdan niya ako, tinignan ko siya ng diretso. Pansin ko ang paninindig balahibo niya at pamumutla, ni hindi ko maipaliwanag kung bakit ganon. Nilapitan ko siya.

"Ayos lang yun, hahaha wag ka na mag alala, ayos lang naman ako. Hindi na masakit, gusto mo isa pa eh hahaha. " Ngi-ngiti ngiti pa ako habang hindi makatingin sakanya ng diretso. Hinihintay ko ang sagot niya pero ilang segundo na ang nakalipas wala pa din akong naririnig mula sa bibig niya. Kunot noo akong napatingin sakanya. Nakatingin parin siya saakin. Nag aalala na ako kasi namumutla na siya at nag hahabol hininga.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now