MBMMS 29 [Awkward]

49 13 12
                                    


Awkward~

Leneyfia's Pov .

Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong makausap si Drake. May tiwala naman kasi ako sakanya na hindi niya sasabihin 'yung sinabi ko.

Ang nakakapag taka may kung ano akong napansin sakaniya simula nung sabihin kong may gusto ako kay Dechaves.

Tumakbo na ako papunta ng room dahil ilang minuto na lang ay late na ako. Pero laking pasalamat ko ng madatnan ko ang room na wala pa si Prof. Dumiretso ako sa upuan ko saka ako umupo. Napasulyap ako kay Dechaves, mukhang may malalim siyang iniisip. 'Yung itsura niya ngayon halatang lutang nanaman gaya kahapon.

Ewan ko talagang sa lalaking 'to.

Teka namayat daw ako tapos halatang puyat ako? Aishhh! Halata kaya na umiyak ako? Namamaga mata ko?

Wala eh, kagabi inatake ako ng anxiety. Nag rewind lahat.

**

Natapos ang apat na mga naunang subject at lunchtime na nga. Pina-una ko munang lumabas ang mga kaklase ko saka ako sumunod. Hindi naman na ako pinipilit sumama ni Vina kasi kinausap ko naman na siya na kaya ko mag isa. Nang makalabas na ang mga kaklase ko ay saka ako nag lakad paalis. A-aminin kong namiss ko rin 'yung hinihintay ko siya tapos sabay kaming mag lu-lunch. Nakaka-miss talaga 'yun sobra.

( ̄ヘ ̄;)

' gusto ko man ibalik malabo ng mangyare---'

" Sanchez!!!"

([O__O])

Napahinto ako sa pag lalakad ng tawagin ako ni Dechaves. Dahan dahan akong napatingin sakanya at naka pokerface siyang nag lalakad patungo saakin.

' Ano ba naman 'yan? Diba pwedeng tumakbo nalang siya? Kakasira naman ng moment. Tapos pwede bang ayusin niya naman mukha niya. '

(˘・_・˘)

" O-oh? " Naiilang na tanong ko sakanya ng tuluyan na siyang na sa harap ko.

" Sumama ka ulit saamin. " Seryoso nyang sabi at WALANG HALONG BIRO.

' Nananaginip ba ako? Kung oo man please wag niyo na akong gisingin. Matagal ko na 'tong hiniling na siya ang mag sasabi saakin na sumama ako. Waaah!! '

" H-huh? "

" Join us again. " Tinaasan niya pa ako ng makapal nyang kilay.

" P-pero ikaw nag sabing wag na akong sumama---" natigil ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko saka kami nag lakad paalis.

" Wala ng pero pero, sumama ka na gusto mo naman tss! " Siya habang hila-hila parin ako.

' wahhhh! I can't believe this. Bakit sa nangyayare ngayon parang nakalimutan ko 'yung mga sinabi niya? '

ತ_ʖತ

Hmmm naiiyak ako.

" O-ok lang sayo na m-may gusto ako s-sayo? " Ewan ko, ang kapal ko sa part na 'to.

" Tss. Wala akong sinabi. P-pero bahala ka na! Hindi ko naman mapipigilan 'yang nararamdaman mo. Tss!"

([^__^])

' owemjiiiee nakakakilig! Tangaaaaa! Ang rupok ko talaga. May paiyak iyak pa akong nalalaman. Hala sige, pakasaya ka, sa huli masasaktan ka parin Lene.'

' ihhh!! Last na 'to promise. Hindi niya naman kasi 'yun sinasadiya.'

ಡ ͜ ʖ ಡ

" Dechaves, bakit ba naisipan mo akong pasamahin ulit? Eh diba ikaw nga 'yung nag papa-alis saakin tapos kaya naman ako umalis dahil don sa mga sinabi mo psh! " Binitawan niya ako saka nag pamulsa at bumuntong hininga.

Mr. Bitter meets Miss SweetWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu