MBMMS 42 [When he open up]

42 8 6
                                    

When he open up~

Leneyfia's Pov.

Nagising ako ng maaga ngayon. Papasok na ako.  Ok naman na pakiramdam ko, si Dechaves kasi nag pa-inom saakin ng gamot.

(´ . .̫ . ')

Sino ba hindi ga-galing pag 'yung crush mo na gumamot sayo? Syempre automatic galing agad.

' Hanggang ngayon hindi ako maka move on do'n. Ang sweet ng dating namin don ah. Sana palagi nalang ganun. Kahit may pag ka-masungit pa rin siya, ok na ako basta maramdaman ko lang na ok na kami at concern siya sakin, happy na ako.'

" Ingat Ma'am Zoe. Kaka-galing niyo pa lang po sa sakit eh. Kung ako sana masusunod hindi muna kita papa-pasukin kasi baka mapano ka. " Si Yaya at ginulo ko naman buhok niya saka ngumiti.

" Ano ka ba yaya Beng? Salamat sa concern mo. Ayos naman na po ako. You don't have to worry kasi... " Bumulong ako sakanya. " Andon naman sa SU 'yung nag papalakas saakin eh." Bulong ko saka bahagyang lumayo. " Hahahaha. Tsaka na bo-boring ako dito sa bahay eh. Wala akong magawa. " Sabi ko at ngumiti naman siya.

" Hahah. Kayo talaga ma'am. Sige po basta ingat ka nalang. " Siya

" Oo naman. Sige, una na ako ah. " Sabi ko sabay alis at dumiretso ako sa bahay ni Dechaves. Doon lang ako nag stay sa labas, nahihiya akong tawagin 'yung guard tapos pumasok sa loob. 

Maya maya nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit saakin. Agad ako ditong napa-lingon at nakita ko si Dechaves na naka pokerface ulit na nakatingin ng diretso saakin. 

Pinag buksan siya ng gate ng mga body guards niya saka siya lumapit saakin. Nabigla ako ng bigla niyang diinan ang noo ko, napa-kurap nalang ako ng wala sa oras. Inalis niya na ang kamay niya sa noo ko saka nag pamulsa. 

" Medyo mainit ka pa. Ba't ka andito? " Nag su-sungit nanaman siya.

" Obvious ba? Sino pa ba pupuntahan ko dito, edi ikaw. Alangan 'yung aso. Ikaw mukhang as-- "

" Wag ka na munang pumasok. Umuwi ka na. " Seryoso niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

' Ayaw niya ba akong kasama? Jusko naman. Sabi na nga ba eh! '

" Eh? Ok na ako. Tsaka kaya ko naman na pumasok. " Nag simula na kaming mag lakad.

" Pa'no kung bigla ka nalang manghina? Tsk, wag na makulit Sachez. " Tinignan niya ako.

' Edi sagot mo na 'yun! Jonks! '

" Eh? Hindi 'yan. Ayos na nga kasi ako eh... Kuleeeet! " Napa-irap ako.

" Tss. Naka-inom ka ng gamot? " Tanong niya saakin. Bago kami lumiko at diretso na nag lakad palabas ng Subdivision .

" O-oo na... Pinagawa ko kay Yaya 'yung ginawa mo. " Sabi ko .

" Buti naman... Tss. " Pansin ko lang ang lungkot ng boses niya simula kahapon at ngayon.

" Ang lungkot mo, kahapon pa 'yan ah." Sabi ko at hindi naman siya kumibo, diretso lang siyang nag lalakad. " Hmmm... Dechaves, may problema ka nanaman ba? Ano 'yun? " Mahinang tanong ko dito.

" Basta---w-wala... Don't mind me. " Siya at napanguso naman ako.

" Ano ba 'yan? Ang unfair ng dating saakin. Kasi ikaw, binisita mo pa ako kahapon kasi alam mong may lagnat ako tapos ikaw pa nag pa-inom saakin ng gamot. Tinulungan mo pa ako. Tapos ngayon, wala man lang akong maitutulong sayo kung sakali mang may problema ka kasi hindi mo naman sinasabi..." Dirediretso kong sabi at sinulyapan niya naman ako.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now