MBMMS 33 [Favor]

48 12 1
                                    


Favor~

Brylle's Pov.

Hinintay ko munang makapasok si Sanchez sa mansion nila bago ako umalis. Hay... Hindi ko akalain na tatay niya pala 'yung kahati dito ni dad at sila pala ay isang stockholders ng Sapience University. Hindi ko alam pero parang ginanahan akong umuwi lagi sa mansion lalo na sa nalaman kong may kalapitan lang pala ang bahay nila saamin.

**

Kinabukasan~

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko.  Tumatawag si Drake.

~Drakula ' ' is  calling...

Agad ko itong sinagot.

" Oh? " Bungad ko sakanya. Ang aga aga, inaantok pa ako.

" Bumangon ka na, pumasok ka ng maaga. Kita tayo sa parking lot. " Siya kaya napabangon ako. " Mag lakad ka nalang, dala ko kotse ko. "

" Ano? Bakit? Ang aga naman. Tss. " Inaantok kong sabi. 9:00 am schedule namin ngayon eh tapos 7:00 am palang.

" Bastaaaa... May pag uusapan tayo. "

" Tss. Sabihin mo na ngayon. Inaantok pa ako. Ayaw ko pang bumangon. " Ako habang naka pikit.

" Babangon ka o ako mismo pupunta jan at hihilain kita? Ano, pwede kang pumili."

" Yung 'O' nalang pwede? Tss. " napahiga ulit ako. " Sabihan ko nalang 'yung guard na wag muna mag papa-pasok ng visitors dito."

" Aysh!!! Bilis na. Tumatakbo ang oras may gagawin pa tayo. " Singhal niya saakin sa telepono kaya bahagya ko 'tong inilayo saakin.

Ano ba gagawin namin? Bwiset.

" Oo na. Oo na. Siguraduhin mo lang kundi lintik lang talaga!! " Napahilamos ako ng mukha saka bumangon sa kama. " Sige na mag aayos lang ako." Ibinaba ko na ang cellphone ko saka ako dumiretso sa C.R para mag hilamos.

' Inaantok pa talaga ako. Ano gagawin namin? Ang aga pa tsaka, 7:00 a.m palang. Malapit naman ako sa school eh. '

**

Madali akong natapos sa pag a-ayos kaya lumabas na ako ng banyo at nakita kong may new message saakin si Drake kaya agad ko 'tong binasa.

From: Drakula ' '

Papunta na ako ng SU. Hindi na kita dadaanan jan. Dumiretso ka nalang sa SU.

Hindi ko na sya nireplyan at saka ako dali-daling bumababa para mag almusal.

" Oh? Ang aga mo naman iho? Hindi pa ako nakakaluto. Sa'n ba ang punta mo? " Si Manang pero nilampasan ko nalang siya at kumuha ako ng cereal para 'yun nalang kainin ko. " Pasensya na iho ah. Kakagising ko lang kasi. " Siya. "Kung maaari, hintayin mo nalang 'to madali lang naman 'to eh---"

" No thanks p-po... " kelan pa ako natutong mag po?

" Ang aga naman ata. 7:30 palang, akala ko ba 9 am schedule mo ngayon. "

" Tss. " Hindi na siya sumagot. Agad kong tinapos ang pag kain at saka ako tumayo at umalis. " Una na po ako manang. " Ngumiti ako sakanya saka umalis. Kahit ganito ako, may galang parin ako sa taong nag alaga at nag palaki saakin. Kung tutuusin siya ang nag turo saakin na maging mabuting bata pero ako eto nag paapekto lang sa nangyari. Tama si Sanchez, dapat hindi ako nag papa-apekto.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now